Cristina at Alfred
Cristina isasalba ang relasyon sa asawa
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 4, 2018 - 12:00am

Hindi ikinakaila ng singer-actress-turned politician na si Tacloban mayor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na may pinag­dadaanan ngayon ang kanilang marriage ng husband niyang businessman-politician na si Alfred Romualdez. Pero hangga’t maaari ay gusto ni Mayor Kring-Kring na maayos kung anumang problema meron sila ng kanyang husband.

 

“I love my husband and our kids.  I love my family. Hangga’t maaari ay gusto kong buo ang pamilya namin,” pahayag niya.

“We are no different from other couples na nagkakaroon ng problema and we’re trying to fix our problem,” dugtong niya pero hindi na siya nagbigay ng anumang detalye.

Kilala si Mayor Kring-Kring sa pagiging loyal, loving and supportive sa kanyang husband.  Katunayan, she’s not seeking for a re-election sa darating na mid-term elections to give way sa kanyang husband na babalik sa pagiging mayor ng Tacloban na pinaglingkuran niya sa loob ng siyam na taon until 2016. She’s not running for any public office in 2019 to focus her attention sa kanyang pamilya at sa family business maging sa kanyang parents na parehong maysakit. Si Mayor Kring-Kring ay panganay na anak ng dating matinee idol at kongresista na si Jose Mari Gonzales at ni Rosario `Chayong’  Mallarky-Gonzales.

Bilang incumbent public servant, hinahati ni Mayor Kring-Kring ang kanyang oras sa kanyang mga constistuent sa Tacloban, sa kanyang paging wife at ina ng dalawa niyang at sa kanyang ailing parents na kailangan niyang i-check regularly.

Marami ang hanga sa pagiging matatag ni Mayor Kring-Kring sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanang mga problema.

Elmo at Janella matagal pang magsasama

Sa kabila ng problemang pinagdaanan recently ng dating magkasintahan at magka-loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, nakuha pa rin nilang magsama at maging professional sa kanilang series of shows sa Canada, ang One Magical Night Canada Tour 2018 kasama ang KathNiel na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Una silang nag-show sa Calgary nung November 2 at sa Vancouver last November 3. Magtatanghal din sila sa Toronto sa darating na Sabado, November 10.

Marami naman ang naniniwala na tiyak na magkakausap sina Janelle at Elmo habang sila’y nasa Canada. Hindi man daw magkabalikan pa ang dalawa, sana man lang daw ay maging magkaibigan pa rin sila dahil pareho silang Kapamilya stars.

CRISTINA `KRING-KRING’ GONZALES-ROMUALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with