Vilma
Vilma
Vilma gustong subukang maging Muslim!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 4, 2018 - 12:00am

Sa tinatagal-tagal na ni Vilma Santos sa showbusiness na napakarami nang naga­wang pelikula’t napakarami na ring role na na­gampanan, may isa pa palang papel na hindi siya napo-portray at ito raw ang dream niya sa ngayon.

 

“Ang dream ko talaga sa ngayon,” sey ni Ate Vi sa kanyang panayam kay Boy Abunda for The Bottolime na inere kagabi bilang pagbibigay-pugay sa kanyang kaarawan, “to play ‘yung babaeng Muslim, ‘yung ganu’n, saka ‘yung kanilang paniniwala.

“Kasi, ang dami ko nang roles na nagampanan, more than 300 movies, ‘yung iba nga paulit-ulit na. So, kung meron man siguro nga­yon, gusto kong gumanap na parang isang Muslim girl.”

Kung isasapelikula naman daw ang kanyang buhay, natanong si ate Vi kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya.

Aniya, sayang daw at hindi na active si Claudine Barretto dahil ito raw sana ang gusto niya na mag-portray sa kanya.

“The pamangkin (of Claudine), si Julia (Baretto), si Kathryn (Bernardo), puwede. Marami silang pwedeng gumanap,” she said.

Sino ang leading man?

“Eh kung sino ang ka-loveteam nila dahil ako rin, nagsimula sa loveteam,” sey pa niya.

Bagama’t madalang siyang gumawa ngayon ng pelikula, ani ate Vi, sa tingin daw niya ay hin­ding-hindi siya titigil sa paggawa ng movie ever.

“Hinahanap ko, Boy. Kaya lang, there’s such thing as priorities, eh. Wala akong choice. Of course, sinabi ko na, my first priority is my immediate family, second is being a public servant, and third, ‘yung showbiz ko, Boy,” pahayag pa ng Star For All Seasons at incumbent Represen­tative of Lipa City.

Mikee ‘stress’ ang tingin sa pagbo-boyfriend

Walang time sa love life ngayon ang isa sa bida ng Onanay na si Mikee Quintos dahil bukod sa busy siya sa career niya, magiging abala pa raw siya sa pagtulong sa kanyang ama na tatakbong konsehal sa Sampaloc, Manila.

“Kaya magi-States ako sa December para makapag-vacation ako before mag-start ang campaign next year, kasi for sure…” natatawang sabi ni Mikee.

Kaya nga ayaw na raw niyang mag­dagdag pa ng stress sa buhay niya ngayon by having a boyfriend.

Ang last relationship daw niya ay last year pa na isang non-showbiz guy, isang architect.

Ngayon ay nali-link siya sa leading man niya sa Onanay na si Enrico Cuenca at aminado naman siyang nagiging close na sila at panay na ang kwentuhan nila sa set.

Pero so far ay nasa kwentuhan stage lang naman daw sila at wala pa naman daw something special na namumuo off-cam.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with