^

Pang Movies

Huling gabi ng lamay ni Rico may bonggang concert!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, naiyak ako habang kausap si Janine Puno sa wake ng yumaong The Total Entertainer na si Rico J. Puno.

 

Hindi rin kasi mabilang na concerts ni Rico ang hinawakan ko ang publicity and promotions dahil si Anna Puno ng StarMedia Enteratinment ang producer (siya ang nanay ni Janine).

Kabiruan ko kasi si Rico. Ang saya-saya niyang kausap.

Parang wala yata ka­ming seryosong pinag-usapan dahil palagi ngang nagbibiro.

Kahit tungkol sa publicity and promotions ng kanyang concerts, oo lang nang oo si Rico na parang hindi seryoso, pero, promise, nakakaaliw talaga siya. Kahit sino, maaliw kay Rico. Parang sa tuwing may sasabihin siya, palaging may punchline.

At kapag ganoon ang tao, kapag nakita mong nakahimlay na sa kabaong ang kanyang mga labi, hindi mo talaga mapipigilan ang hindi maiyak!

Sa November 8 ang libing ng mga labi ni Rico dahil sa Wednesday morning pa ang dating mula sa Amerika ng tatlong babaeng anak niya.

Sa November 7 ay may mala-concert sa huling gabi ng lamay kung saan ay magpe-perform sina Martin Nievera, Erik Santos at Ogie Alcasid.

“Baka si Tito Gary (Valenciano) rin, pero inaayos pa ang schedule. Si Angeline (Quinto), sana puwede rin,” sabi ni Janine.

Cain at Abel sa Nov. 19, VM babu na talaga

Confirmed, sa November 19 ang pilot telecast ng Cain at Abel ng GMA 7, kaya sa November 16 talaga ang finale episode ng Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Ginawa na ring November 13 ang press launch ng Cain at Abel para mas mabugbug ang publicity nito.

Ang ibang stars din ng Cain at Abel ay nagmo-mall show na para sa promotions ng kanilang bagong primetime series.

Resto nina Shamcy at Lloyd maganda ang customer service

Alam mo, Ateng Salve, bilib ako sa staff ng Pedro N’ Coi restaurant ng beauty queen na si Shamcy Supsup at ng mister niyang si Lloyd Lee.

Fave ko ang restaurant nilang ‘yon dahil masasa­rap ang mga pagkain, pero nang may mapansin ako na hindi maganda sa Joey de Lechon (pangalan ng lechon belly dish) na in-order ko, hindi sila ‘yung tipong nakipagtalo pa at pinalitan ang a­king order.

Maganda rin ang customer service ng kanilang staff, kaya naman bumilib ako sa klase ng pagpapatakbo ni Shamcy at ng kanyang mister sa kanilang restaurant!

Barangay 143 pinupuri!

Maganda ang feedback ng mga Pinoy fan sa first all-Filipino animé series na Barangay 143.

Bukas na ang fourth episode ng Barangay 143 na sina Migo Adecer, Kelley Day at Ruru Madrid sa mga artistang nagvo-voice.

Malapit na raw lumabas ‘yung episode kung saan ‘yung isang character ay si Edu Manzano ang nag-voice.

Ang character na bino-voice ni Lorna Tolentino at napapanood na rin, pero ‘yung kay Alice Dixson ay wala pa.

 

vuukle comment

RICO J. PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with