Pagiging professional ng ElNella, dapat purihin!
Elmo at Janella
Pagiging professional ng ElNella, dapat purihin!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 3, 2018 - 12:00am

Paano kaya ang naging eksena nila Elmo Magalona at Janella Salvador sa concert nila sa Canada Mama Salve?

 

Siyempre may konti pang ilangan iyan, siyempre m­edyo mag-iiwasan. Pero gusto ko ang ginawa ng mga mother nila na sina Jenine Desiderio at Pia Magalona na hindi sumama para huwag nang makadagdag sa tensiyon. Gusto ko rin na itinuloy nila ang show para ipakita ang professionalism nila sa trabaho.

Sana nga ay naging maganda ang pagsasama nilang dalawa dito, at ipakita na kahit may gap magagawa pa rin nila na maging together for the sake of their work.

Kundi lang pumutok iyong issue, puwede pa siguro na ito ang naging chance para makapag-usap sila, magpaliwanag sa isa’t isa, pero mukhang the damage has been done kaya medyo lumabo na ang chance.

Just wish both of them luck, and maybe, why not, renew the friendship kung puwede pa i-save.

Inakalang true friend, aktor naloka sa panunulot ng aktres

Imbyerna ang aktor sa kaibigan na aktres dahil wagas ito sa paniningil sa utang niya.

Nag-promise ang aktor na babayaran nito ang utang kapag kumita siya nang malaki pero medyo matatagalan dahil broke na broke pa siya.

Ang ginawa ng aktres, naghanap ito ng lending company na mauutangan ng aktor para mabayaran na siya.

Dinedma ng aktor ang pangungulit ng aktres. Nairita ang aktor dahil pinangungunahan ng aktres ang kanyang desisyon.

Magkaibigan ang dalawa pero nabawasan ang respect ng aktor sa aktres dahil sa isang insidente.

Nawalan ng isang malaking project ang aktor dahil sinulot ito ng aktres na inakala niya na true friend.

Phillip isinasangkot sa hit-and-run

Ilang araw nang may trangkaso si Phillip Salvador kaya hindi siya umaalis ng bahay.

Laking gulat ni Ipe nang mabasa nito sa Facebook na isinasangkot siya ng isang nameless individual sa isang hit-and-run incident sa Cebu na nangyari umano noong bisperas ng All Saints Day.

Not feeling well si Ipe na lalong bumigat ang pakiramdam nang makarating sa kanya ang imbento na balita.

Obvious na pantasya ang pang-iintriga kay Ipe dahil pinaratangan siya ng nameless accuser samantalang alam ng buong Pilipinas na loyalist siya ni President Rodrigo Duterte bilang BFF sila, kahit noong mayor pa si Papa Digong ng Davao City.

Mayor Erap confident na siya pa rin ang mananalo

Naniniwala si Manila City Mayor Joseph Estrada na siya pa rin ang mahahalal na alkalde ng Maynila sa eleksyon sa May 2019.

Isang friend ko ang nakausap ni Papa Erap at nagkuwento sa akin tungkol sa statement ng dating pangulo.

Sinabi raw ni Papa Erap na siya pa rin ang iboboto ng constituents niya sa Maynila, hindi ang kanyang mga kalaban.

Sina former Manila City Mayor Alfredo Lim at former Manila City Vice-Mayor Isko Moreno ang mga kalaban ni Papa Erap sa mayoral race sa Maynila.

ELMO MAGALONA JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with