Zanjoe at Maja
Dahil kina Bea at Gerald Maja awkward ang tingin kay Zanjoe
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 28, 2018 - 12:00am

Aminadong loveless at the moment si Maja Salvador at hindi raw niya nakikita ang sarili na makipagbalikan sa past boyfriends niya.

 

Kung sa bagay, tatlong ex niya ang obvious namang masaya na ngayon sa mga buhay nila. Sina Carlo Aquino na nali-link muli sa kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban at katambal niya sa pelikulang Exes Baggage, si Matteo Guidicelli na boyfriend na ngayon ni Sarah Geronimo at naghihintay na lang ng tamang panahon para magpakasal, at si Gerald Anderson na boyfriend na ngayon ni Bea Alonzo.

Si Bea naman ay dating girlfriend ni Zanjoe Marudo na katambal niya ngayon sa kanyang bagong pelikula na To Love Some Buddy.

Katulad ni Maja, si Zanjoe ay single pa rin hanggang ngayon, at nang tanungin sila ni Boy Abunda nang mag-guest ang mga ito sa Tonight With Boy Abunda kung posible bang maging mag-on sila, bumuwelta agad si Maja: “’Di ba awkward, pag nagkataon, since, alam ng lahat na exes kami nina Bea at Gerald, na mag-on ngayon.”

What do you think, Salve A.?

Attention Jessy Marie pinag-iinteresan si Luis

Meet Marie Preizer, ang tinuturing ng bihasang talent manager na si Leo Dominguez na kanyang pinaka-latest “prize” catch.

Only 17 years old, but tall for her age, ipinanganak si Marie sa Vienna, Austria. Ang kanyang late dad ay nagtrabaho bilang lighting director for a theater company sa Austria habang ang kanyang mom naman na dating stewardess at isang Filipina na sumali na sa same theater group ng kanyang husband.

Halos lahat ng pamilya ni Marie at nakatira na sa Austria.

Most of them ay magtatrabaho bilang nurses sa mga hospital doon.

No wonder, matatas si Marie mag-Tagalog, lalo na nga at close siya sa kanyang lola na avid fan ni Vilma Santos-Recto, ang Star for all Seasons and now running for her second term as Lipa City Congresswoman.

Like her lola, kung ilang ulit daw niya pinanonood ang mga pelikula ni Ate Vi sa mga cassette tapes na inu-order pa ng kanyang Lola sa Pilipinas.

No wonder, dream niya raw na ma-meet si Ate Vi in person. Malaking bonus daw, if ma-interview siya ng TV host-son ni Ate Vi na si Luis Manzano.

Wow, pagnagkataon, di kaya magselos si Jessy Mendiola?

Of Leo D., kabilang nga pala sa mga talents niya sina Lovi Poe, Mariel de Leon at Solenn Heussaff.

Mika umaming first love si Nash

Dapat siguro ma-meet ni Marie si Mika dela Cruz, ang nakababatang kapatid ni Angelica dela Cruz.

Italian-Austrian kasi ang mother ni Mika habang Filipino naman ang father niya.

Nakarating na kaya ng Austria si Mika, na picture of a young girl in love sa kasalukuyan?

Yes, in love, dahil finally ay sinagot niya na ang fellow actor niyang si Nash Aguas na nasa Kapamilya Network, si Mika kasi ay sa Kapuso Network.
The two of them have known each other way back when they were much younger and mainstays ng pambatang gag show na Goin’ Bulilit.

Katulad ni Nash na lead actor ng soon-to-be released movie na Class of 2018 ng T-Entertainment, Mika is busy, too. Nasa cast siya ng nagte-trending na series on GMA-7 na Pamilya Roses.

Mika confessed na si Nash ang kanyang first love and first boyfriend.

Mayor Junjun tututukan muna ang mga anak

First time, if ever, na magkakaroon ng Mayor na babae ang Antipolo City, if magka-totoo ang prediction ng marami na tiyak na ang panalo ni Andeng Bautista-Ynares bilang pinuno ng siyudad in the May 2019 elections.

It was her husband, outgoing Antipolo Mayor Junjun Ynares who encouraged her to run for the position. At Andeng says, she loves Antipolo and its residents, as much as Mayor Junjun kaya ‘di niya mapahindian ang suggestion ng asawa.

Ayon pa sa mga bulung-bulungan, walang balak tumakbo si Mayor Junjun ng higher office or kahit nag-expect ng offer for a higher position sa government kaya nag-decide itong mag-seek ng re-election. Bagama’t he would have been a sure winner.

“For the next year or two,” someone close to the Ynares family said, “Type raw muna ni Mayor Junjun na mag-focus bilang ama to his and Andeng’s two daughters.

“The two are fast growing up nga naman. Obvious na ayaw niyang magulat na isang araw, may mga manliligaw na ito, dahil kapwa maganda at matatalino, na ‘di man lang niya nabigyan ng kahit katiting na oras na subaybayan ang paglaki ng mga ito.”

Bravo, Mayor Junjun, as a dad.

Personal…

Happy birthday to Patty Dumalagan, elder daughter ng entertainment columnist na si Chit Ramos, who turns a year older today.

Greetings too from her husband Tonton and nearly two year-old daughter, Athena.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with