^

Pang Movies

Maricel hindi nakatanggi sa offer nina Eric at Mother Lily

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maricel hindi nakatanggi sa offer nina Eric at Mother Lily
Mother Lily, Eric at Maricel

Sure na ang pagiging active ni Maricel Soriano sa entertainment industry dahil sa mga pelikula na gagawin niya sa Regal Entertainment Inc. sa 2019.

 

Real daughter ang turing ni Mother Lily Monteverde kay Maricel na parang kapatid na rin ni Roselle dahil magkasabay sila na lumaki at nagdalaga.

Si Maricel ang original queen ng Regal Films dahil pinilahan sa takilya ang lahat ng mga pelikula niya noon sa movie company ni Mother Lily.

Sa susunod na taon, dalawang pelikula ang gagawin ni Maricel sa kanyang mother studio, isang romantic comedy family movie at isang horror movie.

Si Eric Quizon ang direktor ng comedy family movie at ipinagkatiwala nina Mother at Roselle kay Ian Lorenos ang pamamahala sa horror movie.

Malaki ang kinalaman ni Eric sa pagbabalik ni Maricel sa Regal dahil siya ang nakipag-usap sa Diamond Star para tanggapin nito ang special role sa My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation na pinilahan sa box office noong May 2018.

Sinabi ni Maricel na hindi siya tumanggi sa offer ni Eric dahil “kapatid “ niya ang actor-director. Lalong hindi niya puwedeng i-turn down ang project dahil sa kanyang unconditional love kina Mother Lily at Roselle.

Ngayon pa lang, excited na si Maricel sa mga project niya sa kanyang original home studio. May big reason para ma-excite si Maricel dahil sa reunion movie nila ng another movie queen na si Manang Inday aka Susan Roces.

Beteranong showbiz reporter na si Bong de Leon, pumanaw na

Nakikiramay ako sa mga naulila ng veteran showbiz reporter na si Bong de Leon na binawian ng buhay noong Huwebes, October 25, sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Marami akong fond memories kay Bong dahil nagkasama kami noon sa Amerika para sa shooting ng pelikula ng Regal Films na pinagbidahan noong 1983 nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion, ang Pepe En Pilar.

Sa mga nais makiramay sa mga naulila ni Bong, nakaburol ang labi niya sa Prudential Funeral Homes sa Maceda St., Sampaloc, Manila.

Regine, gagawing mainstay sa ASAP

Napag-uusapan na naman ang muntik nang pagsasama nina AiAi delas Alas, Marian Rivera at Regine Velasquez sa isang Sunday noontime show dahil sa paglipat ng singer-actress sa ABS-CBN.

Nalaman ko na Three Queens pala ang working title noon ng Sunday PinaSaya dahil pare-parehong mga reyna sina Regine, Marian at AiAi.

Hindi natuloy ang participation ni Regine sa show na collaboration ng GMA 7 at APT Entertainment dahil sa guilt na naramdaman niya para sa kanyang mga dating kasamahan sa Party Pilipinas.

Nakonsyensya si Regine dahil magkakaroon siya ng show samantalang jobless ang mga co-star niya sa tsinugi na Party Pilipinas.

Ang ending, nag-back out si Regine sa Three Queens ke­sehodang nakapag-pictorial na sila nina AiAi at Marian.

Kung hindi siguro nag-babu si Regine sa Three Queens na naging Sunday PinaSaya, baka hindi siya lumipat sa ABS-CBN dahil patuloy na namamayagpag sa ratings ang Sunday noontime variety show ng GMA 7.

Pero nangyari na ang nangyari. Three years na ang nakararaan mula nang i-launch ang Sunday PinaSaya at palagi naman na may dahilan sa mga nagaganap sa paligid natin at personal experiences.

Maingay ang tsismis na magiging mainstay na si Regine ng ASAP ng ABS-CBN. Malay natin, baka nga happy siya dahil magkikita-kita sila sa ASAP ng kanyang dating mga kasamahan sa Party Pilipinas.

LILY MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with