^

Pang Movies

Darren ide-demanda si JK sa pagtawag ng bakla

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Darren ide-demanda si JK sa pagtawag ng bakla
Darren Espanto at JK Labajo

Hindi ko kilala nang personal ang mga young singer na sina Darren Espanto at JK Labajo na may word war sa social media pero sila ang topic kahapon.

Na-offend si Darren at sinagot si JK dahil sa tweet nito na “gayness at its finest.”

Ang brilliant excuse ni JK, hindi siya ang nag-tweet dahil na-hacked ang Twitter account niya na hindi pinaniwalaan ni Darren.

Mukhang hahantong sa korte ang isyu ng dalawang bagets dahil sa threat ni Darren na magkita na lamang sila ni JK sa korte.

“I didn’t mean to use the word “bakla” as a derogatory term. I’m sorry if this has offended anyone. And to the people who say I have “fragile masculinity”? I’ve been bashed with this since I was in The Voice Kids (I was 12) pero wala kayong narinig. I’m 17 now, kakapagod na rin.

“Since pinost mo na din naman yung chat natin dito (which you’ve deleted),nung una hacker, ngayon edited? Pero nag appear sa mismong account mo? And even if I wasn’t the one you were talking about in PBB, hindi pa rin tama ang magsalita ng masama tungkol sa iba

“Hindi ako lalaban sa’yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo. Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun. Sa korte ­nalang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, “brother”” ang paliwanag ni Darren na humingi rin ng paumanhin sa mga na-offend sa paggamit niya ng gay word.

Menor de edad si Darren at kung magsasampa siya ng reklamo sa korte, puwedeng ang mga magulang niya ang magdemanda.

Gaya ni Darren, 17-years old din si JK kaya pareho sila na mga minor. Abangan na lang natin ang next chapter tungkol sa feud ng mga young singer na nalamatan ang friendship dahil sa social media.

Baklita sopla sa offer na P2 million

Luhaan ang isang baklita na nag-propose ng nude pictorial sa sexy actor na pinapantasya niya.

Luhaan dahil sinopla siya ng aktor na pinagtawanan lang ang kanyang offer na two million pesos na talent fee.

Hindi yata alam ng baklita na mula sa disente at mayaman na pamilya ang aktor na hindi nasisilaw sa datung.

Hinamon ng aktor na magpakita sa kanya ang bastos na gay na hahampasin niya ng diyaryo dahil sa maliit na tingin sa kanya.

May mga kumukumbinsi sa aktor na ibulgar ang name ng baklita para hindi nito ulitin ang pang-gagago sa ibang mga artista.

Kapag inilantad ang pangalan ng bading, baka matakot na siya at maiiwasan na ang pambibiktima niya sa kapwa.

Hawak ng aktor ang picture at cell phone number ng vaklush. Isang click lang ng aktor, tapos na ang maliligayang araw ng baklita na obvious na obsessed sa mga hunky star.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with