^

Pang Movies

Regine binalikan ang pagpipinta

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Regine binalikan ang pagpipinta
Ogie Alcasid

Monday ng bandang 8:20PM nang mag-text sa akin si Ogie Alcasid ng, “We just landed.”

Delayed daw ang flight nila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid galing sa Sydney, Australia kung saan sila nag-ASAP Live in Sydney.

“Two hours ang delay, pero ok lang. Better safe naman!” sabi pa ni Ogie.

Kahit late night na sila nakauwi ni Regine, nakipag-bonding pa rin sila sa anak na si Nate na sobra nilang na-miss.

Kahapon nga pala, balik-taping si Ogie for Home Sweetie Home. Maaga pa rin siyang nag-report sa taping kesehodang late na siyang nakatulog.

Siyempre binati siya ng kanyang mga kasama sa sitcom na ‘yon dahil nanalo siyang Best Comedy Actor sa nakaraang Star Awards for Television para sa dual-role niya sa kanilang sitcom.

Sabi ni Ogie, sobra siyang thankful sa parangal na natanggap.

Ang hirap nga naman ng ginagawa ni Ogie sa taping ng Home Sweetie Home dahil ang dalawang characters niya sa sitcom na ‘yon ay maraming mga eksenang magkasama, huh!

Kung si Ogie nga pala ay balik-trabaho kaagad kahapon, si Regine naman ay may ibang binalikan at ‘yon ay ang pagpipinta.

Kasama niya sa pagpipinta kahapon si Nate at pinasalamatan nga niya ang anak for encouraging her to paint again.

Wala na nga raw hihigit pa sa joy niya being with his son sa pagpi-paint.

Oscar at MJ, nagpapakaligaya sa Europe

Dating taga-Unang Hirit ang GMA 7 news reporter na si Oscar Oida na mister ng TV5 showbiz anchor na si MJ Marfori.

Nasa Europe ngayon ang mag-asawa at nagbabakasyon.

Nakakaaliw si MJ na noong mag-guest kamakailan si Oscar sa Unang Hirit ay super promote siya.

Mabuti na lang at walang kumpetisyon ang TV5 sa GMA 7, kaya hindi naman nasisita si MJ sa ginagawa niya.

Marami nga pala ang nagsasabing sana ay ibalik na sa Unang Hirit si Oscar.

Miss Millennials may bonggang pasabog

Ibinalik na sa New Frontier Theater ang pangalan ng KIA Theater sa Arane­ta Center sa Cubao, Quezon City.

Sa Saturday, sa lugar na ‘yon gaganapin ang grand finals ng Miss Millennials 2019 ng Eat Bulaga.

Sobrang pinaghahandaan ng mga taga-Eat Bulaga ang grand finals ng beauty pageant nilang ‘yon, kaya naman tinaped na nila ang Friday show para makapag-rehearse sa big event nila sa Saturday.

Ang dinig ko, sina Senator Tito Sotto at Senator Manny Pacquiao ang dalawa sa magdya-judge sa Miss Millennials 2019.

Annabelle may pa-show sa birthday

Ang pagiging abala ni Annabelle Rama para sa advance birthday party niya ngayong Friday sa isang posh hotel sa Makati City.

Maraming inimbitahan si Bisaya. May pa-show rin siya dahil marami siyang big singers na inimbitahang mag-perform.

Siyempre, inaasahang kakanta rin ang mister niyang si Eddie Gutierrez na kilala sa pagkanta ng Elvis Presley songs.

Malamang, pati ang apo niyang si Zion ay magpe-perform.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with