Maine Mendoza at Arjo Atayde
Maine at Arjo huli na naman na nag-enjoy sa date!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 23, 2018 - 12:00am

Pagkatapos mamataan kamakailan na kumakain sa isang restaurant sa Makati, spotted na naman sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig last Saturday.

Kumalat ang videos ng dalawa na nagkakasiyahan sa Xylo at the Palace bar makikitang nage-enjoy talaga sila dahil may pasayaw-sayaw pa ang ka-loveteam ni Alden Richards.

Magkasama sina Arjo at Maine sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles with Coco Martin and Vic Sotto and obviously ay dito sila nagkakilala at nagsimulang maging close.

Dahil dito ay marami ang nagtatanong kung dating ba sina Maine at Arjo at kung wala na raw bang girlfriend ang aktor.

Matatandaang matagal nang inamin ni Arjo na in a relationship siya sa GirlTrends member na si Sammie Rimando at wala pa namang nababalitang split na sila.

Well, si Maine ay libreng-libre dahil wala pa naman din siyang nababalitang official boyfriend.

Pero marami rin naman ang nagsasabi na baka talagang good friends lang ang dalawa since nagkasama nga kasi sa isang pelikula.

At parang timing naman, may tweet ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde kahapon tungkol sa dating.

“If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents,” ang tweet ni Ria kahapon.

Lumikha ng sari-saring reaksyon at komento ang tweet na ito ni Ria at hininala agad ng mga netizens na patungkol ito kina Arjo at Maine.

Janno ‘di raw inimbita kaya wala sa anniversary ng AP

Nilinaw ni Janno Gibbs ang tungkol sa post niya kamakailan na hindi siya naimbita sa anniversary presentation ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ASAP noong nakaraang buwan.

Lumikha kasi ng ingay ang sagot niya sa mga netizen  na nagtatanong kung bakit wala siya sa anniversary presentation. Aniya ay hindi raw siya kasi invited.

Matatandaang nag-guest si Janno sa FPJAP some months ago kaya naman may mga netizens na nagtanong sa kanya kung bakit wala siya sa nasabing event.

Ayon kay Janno nang makausap namin sa contract signing niya with Viva Artists Agency (VAA) last week, the truth is na-invite naman daw siya in a way.

“May nagtext naman sa akin, weeks before, parang nabanggit lang. ‘Yung save the date text. So, nung mga ilang araw na before the presentation, wala nang nag-text or nag-follow-up. Eh siyempre, save the date lang ‘yung unang text. Nahiya naman akong magtanong and hindi ko alam kung sino ang tatanungin,” paliwanag ni Janno.

Dagdag pa niya, maaaring nagkaroon lang ng miscommunication at no big deal naman daw sa kanya. In fact, binura na nga raw niya ‘yung post niya.

Pero aminado siyang habang nanonood siya ay may kaunting panghihinayang at sabi nga raw niya sa sarili, “sana, nandu’n ako.”

Samantala, pumirma ng 2-year management contract si Janno sa VAA at happy siya sa kanyang pagbabalik sa Viva. Dati na raw siyang contract artist ng naturang agency, at kung baga ay balik-bahay lang daw siya.

Gusto ni Janno na makagawa ng pelikula since matagal-tagal na rin daw ang last movie niya. Na-miss din daw niya ang pag-arte sa big screen.

“Happy naman ako na maranig from Bos Vic (del Rosario, Viva big boss) na gusto niyang gumawa ako ng pelikula. nag-announce siya kanina and nakakatuwa naman,” he said.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with