^

Pang Movies

Michele balik-volleyball, hanggang top 15 lang sa Miss Globe!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Michele balik-volleyball, hanggang top 15 lang sa Miss Globe!
Michele Gumabao

Hindi pa rin pinalad ang volleyball player turned beauty queen na si Michele Gumabao na makasungkit ng major title sa sinalihang Miss Globe 2018. Hanggang Top 15 ang puwesto niya ayon sa reports.

Gayunpaman, nakakauha ng special awards si Michelle bilang Miss Social Media at Miss Gream Grl. Ang kinatawan ng China na kinoronahang Miss Globe 2018.

“I gave my best and I know it was good enough because I had the whole Philippines believing in me!” post ni Michelle sa kanyang Instagram.

Pagbalik sa bansa, volleyball naman ang susunod niyang labanan!

Aga pinagtanggol sa abogadong nagpi-feeling

Tumanggap ng papuri ang singer na si Richard Reynoso matapos laitin ng isang Atty. Jesus Falcis si Aga Muhlach na isa lamang itong artista. Nasangkot sa isyu kay Senator Sonny Trillanes si Aga kaya naman binanatan din siya ng supporters ng senador.

Panimula ni Richard sa kanyang Facebook, ayaw sana niyang makisawsaw sa isyu eh dahil pareho sila ng industriyang pinanggalingan ng aktor kaya bumuwelta na rin siya at narito ang bahagi ng shout out ni Reynoso.

“Artista nga lang marahil kami, Attorney Falcis. Kaya siguro kami at ang industriyang ginagalawan namin ang nilalapitan tuwing may eleksyon para magkaroon ng taong makikinig sa mga pangakong kadalasan ay napapako ng mga pulitiko...

“Wala nga marahil kaming alam sa mga kaganapan sa ating bayan kahit na marami sa aming hanay ang tapos ng kolehiyo at may sariling negosyo. Pagpasensyahan na po, Atty. Falcis, kung wala nga siguro kaming alam  sa pulitika na malaki ang nagi­ging kontribusyon namin sa pagbabayad ng buwis taun-taon na siyang pinasusuweldo sa mga politiko...

“Artista lang kami, Atty. Falcis, kaya kami pinakikinggan ng marami sa tuwing meron kaming sasabihin dahil ramdam din namin ang hinaing  ng maraming kababayan natin.”

Sinegundahan ni Beverly Salviejo si Richard at iba pang baguhan na nasaktan sa pananalita ng abogado.

Naku, ang mga artista, puwedeng mag-aral ng abogasiya pero ang lawyer na kagaya ni Falcis, papasa ba siyang maging artista?

vuukle comment

MICHELE GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with