^

Pang Movies

Mayor HB dapat nang bumalik sa showbiz?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mayor HB dapat nang bumalik sa showbiz?!
Herbert Bautista

Siguro nga masasabing mahigit na kalahati ng buhay ni Mayor Herbert Bautista ay naibuhos niya sa serbisyo publiko. Natatandaan namin, bagets pa si Bistek nang mahalo riyan dahil sa Kabataang Barangay na Sangguniang Kabataan na ngayon. Dahil siya ang naging federation president ng KB sa Quezon City, naging member din siya ng city council.

Marami ang nagsasabi noon kay Bistek, hindi iyan ang tamang linya sa iyo, kasi artista siya eh at mas malaki ang kikitain niya bilang isang artista kaysa sa pulitika. Pero ang nanaig sa kanya eh iyong feeling na gusto raw niyang maglingkod sa Que­zon City.

Pagkatapos na maging konsehal, nag-vice mayor din siya at nito ngang huli bilang mayor. Kung iisipin mo, ilang milyong piso na kaya ang kinita niya kung itinuloy niya ang kanyang pagiging artista, at kumikita ang comedy na siya niyang linya. Hanggang ngayon nga ay sinasabi namin, mas mayaman siguro siya kung nag-artista na lang siya. Pero ang tao, iba-iba talaga ang preference eh, siya gusto niya serbisyo.

Matapos ang maraming taon, naisip naman ni Mayor Bistek na magpahinga na muna. Marami siyang mga naiiwang responsibilidad sa kanyang mga anak, at siguro maski sa kanyang mga kapatid dahil siya ang panganay at wala na ang kanilang mga magulang.

Siguro nga kailangang balikan niya ang showbusiness. Maaari siyang gumawang muli ng pelikula. Hindi lang siya artista. Maaari siyang magdirek. Maaari siyang mag-produce. Aba eh naunahan pa nga siya ng kanyang kapatid na si Harlene Bautista na nakapagdirek na ng pelikula, at nakapag-produce na rin. Ito iyong panahong kailangan naman ng tulong ng industriya ng pelikulang Pilipino, at ang isang artistang kagaya ni Bistek, malaki ang magagawa sa industriya.

John Lloyd, pagkaing kalye naman ang pinag-iinteresan

Matapos na makitang kumakain ng balot sa bangketa, bumibili ng mga prutas sa palengke, at nakasakay sa isang jeepney sa may UP, may naka-post na namang isang picture ni John Lloyd Cruz sa internet na mukhang nag-aabang ng nilulutong street food.

Palagay namin hindi na issue iyan. Maliwanag ang gustong sabihin ni John Lloyd. Tinalikuran na niya ang showbusiness, ayaw na niya ng glamour at ang gusto niya ay magbalik sa simpleng pamumuhay. Mayroon naman siyang kahit maliliit na negosyong naipundar na kumikita naman nang sapat para buhayin niya ang kanyang anak. Maliwanag na ang ambisyon ni John Lloyd, simpleng pamumuhay lang.

Kung iyon ang gusto niya, pabayaan ninyo. Hindi namin maintindihan kung minsan kung bakit maraming tao hinayang na hinayag na tinalikuran ni John Lloyd ang showbusiness. Kung siya nga hindi nanghinayang eh, ano nga ba ang pakialam ninyo?

Dating bomba star maagang nabiyuda

Matapos ang maraming taon, biglang nasumpungan na lang namin ang sexy star noong araw na si Yvonne sa social media. Ang daming kuwentuhan dahil matagal na namin siyang kakilala at kaibigan. Biyuda na pala siya pero naninirahan pa rin sa Japan. Pero minsan ay umuuwi rin naman daw siya sa Pilipinas dahil may bahay rin naman siya sa Cavite.

May panahong sikat na sikat si Yvonne, lalo na noong tinatawag na “bomba” years ng pelikulang Pilipino. Pero nagpa-sexy man, later on napatunayan naman niya na isa siyang mahusay na aktres.

Nakakatuwa lang na makausap ulit ang mga matatagal mo nang kaibigan.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with