^

Pang Movies

Ariana grande, aso Ang karamay sa kalungkutan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ariana grande, aso Ang karamay sa kalungkutan
Ariana

Slowly but surely ang pag-move on ng Saturday Night Live comedian na si Pete Davidson sa pagkakahiwalay nila ng ex-fiancee niyang si Ariana Grande.

 

Namataan si Pete na naglalakad noong Wednesday in New York City suot ang isang Ecko tracksuit. Ito ang unang pagkakataon na makita siya in public after sumabog ang hiwalayan nila ni Grande.

Ayon pa sa report ng E!, hindi sa $16 million apartment nila ni Ariana tumutuloy si Pete dahil umuwi ito sa kanyang pamilya na sa NYC din naka-base.

Wala pang balita kung kanino mapupunta ang naturang apartment.

Binalik na rin daw ni Ariana ang engagement ring na may halagang $93,000. Pero nakiusap daw si Ariana kay Pete na sa kanya na lang ang pet pig nilang si Piggy Smalls. Emotional support pet daw kasi ito ng singer sa mga pinagdadaanan niyang lungkot ngayon.

Sa paglabas ni Ariana sa A Very Wicked Halloween ng NBC, tinakpan niya ng Band-Aid ang tattoo niyang “Pete” sa left ring finger niya.

Nagpaalam din si Ariana sa kanyang followers on social media dahil magpapahinga raw muna siya sa pag-post on Instagram at Twitter.

Gloria mas mahal na ang apo kesa sa anak

Tuwang-tuwa si Miss Universe 1969 Gloria Diaz kapag pinag-uusapan ang kanyang apo kay Isabelle Daza na si Baltie.

Naikuwento nga ni Gloria na sa bansang France bibinyagan ang kanyang apo at baka doon na rin daw siya mag-spend ng Christmas.

“I’m spending it abroad. My grandchild is getting baptized in Strasbourg, sa France,” masayang balita pa ni Gloria.

Hindi raw dumadaan ang buong araw na hindi niya puwedeng makita ang kanyang apo. Sa Instagram account ni Gloria, may pinost itong nakakatuwang photo kasama ang kanyang apo.

“Do you think we look a bit alike? Same double chin” caption pa ni Gloria.

Biro pa ni Gloria na noong ipinanganak ang kanyang apo na si Baltie, mas mahal na raw niya ito kesa sa ina nitong si Isabelle.

“I am the most trying not to be excited, pero hindi talaga ako mapakali.

“Everyday binibisita ko ang anak ni Belle. In fact, si Belle ang hindi na parang aking priority. Ang priority ko ang baby.”

Miguel abala sa training para sa sakuna

Habang wala pang pinagkakaabalahan na teleserye si Miguel Tanfelix, abala ito sa pagiging ambassador niya ng World Vision.

Bilang isang ambassador, nakatoka sa Kapuso teen actor ang pagturo ng disaster risk reduction sa mga kapwa niya kabataan.

Kasalukuyang nagti-training si Miguel para mas madagdagan ang kaalaman niya sa advocacy niyang ito.

Dumagsa naman ang congratulatory messages kay Miguel dahil sa pagkapanalo nito bilang Best Actor sa Asian Academy Creative Awards para sa pagpaganap niya sa teleserye na Kambal, Karibal.

Dahil nga sa award na iyon, mas lalong ginanahan si Miguel na sumabak sa iba’t ibang role.

vuukle comment

ARIANA GRANDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with