^

Pang Movies

Alden bumili ng condo sa props man

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Alden bumili ng condo sa props man
Alden

Alam mo, Ateng Salve, bilib din ako sa stamina at utang na loob ni Alden Richards!

 

Ang Eat Bulaga naman kasi talaga ang nagpasikat sa kanya, kaya kahit daw gaano kapagod at kapuyat sa taping ng Victor Magtanggol, palagi pa ring napapanood sa nasabing longest-running noontime show ang binata.

Enjoy pa rin si Alden sa ginagawa niya sa Eat Bulaga lalo na sa Boom! game segment nila.

Parang wala ngang kapaguran si Alden.

Ang alam ko, umuuwi pa siya sa bahay niya sa Laguna, pero sabi naman ng isang nakatsikahan ko sa Eat Bulaga, puwede rin daw na umuuwi si Alden sa condominium unit na binili niya sa isang props man ng show.

Sa isang Christmas party raw kasi ng Eat Bulaga, nanalo ng condominium unit sa pa-raffle ng TAPE, Inc. ang nasabing props man at naisipan nitong ibenta ‘yon kay Alden at binili naman daw ng binata.

Ang bait nga raw ni Alden dahil hindi tinawaran ang presyong sinabi sa kanya ng nagbenta.

Karla mas gustong magluto kesa mag-shopping

Balik-Magandang Buhay na si Karla Estrada dahil nandito na siya sa bansa.

Sa taping nila kahapon, sinamahan ko sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Nagpo-promote na kasi si Raymond ng ABS-CBN show niya na ipapalabas sa kanilang iWant.ph na digital plastform ng Kapamilya network at ilo-launch na raw next month.

Aalis kasi pa-Los Angeles, California si Raymond, kaya nagpo-promote na siya ng kanyang digital show.

Anyway, after ng taping ng magkapatid, kinumusta ko si Karla.

Biniro ko siya na baka panay ang shopping niya nang magpunta siya sa US para sa kasal ng brother niya, pero hindi raw.

“Hindi ako masyadong mahilig mag-shopping!” sey ni Karla.

Mas mahilig sa pagluluto kesa sa pagsa-shopping ang nanay ni Daniel Padilla.

In fairness nga pala, kahit almost two weeks siya sa US, mukhang hindi naman tumaba si Karla.

Yes, alam ko na mataba na talaga siya, pero malaki na ang nabawas sa timbang niya dahil nag-e-exercise na rin si Karla, ‘noh?!

Angeline mawawalan daw ng trabaho dahil kay Regine

Panay ang post ni Angeline Quinto ng mga picture ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang social media account.

Very vocal si Angeline sa pagsasabi kung gaano niya kamahal si Regine na isa sa mga unang tumulong sa kanya nang nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

May pictures din siya sa Instagram account niya kung saan kasama niya si Regine sa Sydney, Australia, pati ang mister nito na si Ogie Alcasid.

Patunay lang ‘yon na sobrang tuwang-tuwa si Angeline na Kapamilya na nila sa ABS-CBN ang Asia’s Songbird!

Siguro naman, sa mga posting pa lang ni Angeline na ‘yon ay matitigil na ang ibang mga nang-iintriga na takot siya na mawalan ng trabaho dahil kasama na nga nila sa Kapamilya network ang tunay na reyna ng mga singer, huh!

Kasi naman, ang iba, basta na lang iniintriga si Angeline, hindi muna mag-isip na hindi kakabahan ang singer sa pagpasok ni Regine sa Dos dahil sobrang idol niya ang misis ni Ogie, ‘noh?!

Natatandaan ko pa nga noong nagsisimula pa lang sa showbiz si Angeline ay iniimbita siya ni Regine sa bahay nito.

Sabi nga ni Angeline, sobrang bait at generous sa kanya ni Regine.

Kung anu-ano na rin ang nairegalo ni Regine kay Angeline bukod pa sa dalas na pagge-guest sa show niya, huh!

Noon nga, nakasama pa siya nina Regine at Martin, pati ang rumored-boyfriend niya noon na si Erik Santos, sa MOA Arena concert na Royals, at sabi nga ni Angeline, malaking karangalan sa kanya ang bagay na ‘yon!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with