^

Pang Movies

Regine bet din mag-action

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ngayong nasa ABS-CBN na si Regine Velasquez, inamin ng Asia’s Songbird na interesado rin siyang mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

 

“Bakit hindi? Kaya ko naman ‘yon. Ano ba ang gagawin ko roon, action star ba ako roon? Kaya ko rin naman ‘yon,” sey ni Regine.

At buong ningning din niyang inamin na nakyu­kyutan siya kay Coco.

“Ang cute ni Coco. Naii-starstruck din ako kay Coco, ang pogi. Ang cute niya. He’s such a gentleman and parang mahiyain siya, nakakatuwa siya. So bakit hindi?”

Nakita raw niya si Coco nang dumalo siya sa ABS-CBN Ball kamakailan.

“It will be an honor to be part of Ang Probinsyano,” sey pa niya.

Samantala, nakarating na si Regine sa Sydney, Australia para sa ASAP Live in Sydney. Nag-post na siya kahapon ng larawan kasama ang mga ASAP artists at kaaliw ang kanyang caption.

“Parang malungkot nanaman ako grabe,” ang caption ni Regine na sa totoo lang ay kabaligtaran dahil ang laki ng ngiti niya sa larawan, meaning sobrang saya niya.

42 shortfilms mula sa iba’t ibang bansa ipapalabas sa Pink Filmfest

Matapos ang tatlong taon, aariba na sa ilang mga sinehan ang Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) 2018 sa darating na Nobyemre 14-25.

Tumutugon ang filmfest sa ordinansang ibinaba ng Sangguniang Panglunsod ng Quezon na naglalayong protektahan ang mga karapatang pantao ng LGBTQ+ community. Sa mga pelikulang ipapalabas, tinatalakay ang iba’t ibang naratibo hinggil sa lesbians, gays, bisexuals at transgenders. Hanggang sa ngayon, nangunguna ang Pink Filmfest sa pagsusulong ng mga adbokasiyang kapaki-pakinabang para sa kasapi ng LGBTQ+ community.

Kasabay sa pagdaraos ng film festival ang pag-alala sa ika-79 taong pagkakatatag ng Lungsod Quezon. Ginugunita rin ang ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.

Bubuksan ng dokumentaryong 50 Years of Fabulous ni Jethro Pataling­hug ang telon ng filmfest. Tinalakay nito ang kwento ng pinaka-unang LGBTQ+ charity organization sa buong mundo, ang Imperial Council of San Francisco.

Mapapanood sa international line-up ang Liquid Truth from Brazil, Boys for Sale ng Japan, Mr. Gay Syria ng Turkey, Leitis in Waiting ng Tonga, at The Driver ng Thailand.

Itinatampok ng Philippine line-up ang buhay at mga ambag ni Soxie Topacio, direktor at dating pangulo ng Quezon City Pride Council. Ipapalabas sa filmfest ang pelikula niyang Ded na si Lolo.

Kasama rin sa Philippine line-up ang Call Her ‘Ganda’ ni PJ Raval. Sa kabuuan ay 42 short films ang mapapanood sa filmfest mula sa atin at mga nabanggit na bansa.

Internet sensation ng Bangkok, Thailand, nasa ‘Pinas na!

Nasa ‘Pinas ngayon ang Asia’s top transgender supermodel “slash” lawyer at internet sensation ng Bangkok, Thailand. Siya’y si Mader Sitang na may pasiklab ngayong gabi (October 20) sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC 11 PM at One 690 Entertainment, Roces Avenue, QC ng 12 Midnight. Bukas (October 21) naman ay mapapanood pa rin siya sa One 690.

Nilusob nga ni Mader Sitang ang Manila para pasayahin ang mga Filipino fans. Personal na siyang makikita. Siguradong mapapanood ang nakakaaliw niyang signature hair flipping dance moves will surely spell G-O-O-D V-I-B-E-S in striking, red BOLD letters.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with