^

Pang Movies

KathNiel parang premyo sa lotto ang kinita sa pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KathNiel parang premyo sa lotto ang kinita sa pelikula
KathNiel

Talo pa iyong nanalo sa lotto. Kahit na umabot ng isang bilyon ang premyo, aalisan naman iyon ng bente porsiyentong tax, at dalawa pa silang maghahati, liliit na rin. Pero ang kabuuang halaga na makukuha nilang dalawa, halos kapantay lamang ng kinita ng iisang pelikula ni Daniel Padilla.

Hindi kami nagulat nang mismong si Daniel Padilla na ang magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang huling pelikula, pero nabigla rin kami nang sabihin niyang ang kabuuang kita pala noon hanggang sa ngayon ay 800 mil­yong piso na. Kung susumahin pati ang kinikita pa ng pelikula sa ibang bansa, dahil inilalabas na rin iyan sa mga sinehan abroad ngayon, baka nga umabot pa sa isang bilyong piso lahat. Mas malaki pa kaysa sa tama sa lotto.

“Bawi ang lahat ng lugi ng Star Cinema,” sabi nga sa amin ng isang insider, dahil aminado naman sila na may mga pelikula rin silang bumagsak. Iyon  mga pelikula nilang hindi tumagal sa sinehan, at tahimik sila sa kinita.

Walang duda, ang pelikula niya ang highest grossing Filipino film of all time. Masakit isipin, tiyak may aangal kung sasabihin namin pero tinalo niya sa gross ng pelikula niyang iyan maging ang mga naging pelikula nina FPJ (Fernando Poe Jr.) at Mang Dolphy noon. Mura pa ang bayad sa sine noon, at ang nanonood maaaring paulit-ulit. Hindi kagaya ngayon na kung gusto mong umulit,  magbabayad ka ulit. Pero kung kukuwentahin ang gross ng pelikula batay sa admission prices, masasabing maski sa bilang ng mga taong nanood, ang How’s of Us na nina Daniel at Kathryn Bernardo ang record holder.

Hindi singer si Daniel Padilla, pero batay sa record apat na beses na niyang pinuno ang Araneta Coliseum sa kanyang mga concert. Sinasabi ngang nitong mga nakaraang araw, walang concert na nakapuno nang ganun sa coliseum kundi ang concert ni Daniel.

Matindi na talaga ang dating ng batang iyan. Magkaroon lang tayo ng isa pang artistang ganyan katindi, babangon na ang industriya ng pelikula.

FDCP nagbibigay na rin ng rating?!

Napansin lang namin sa isang sinehan noong isang araw ang isang standee na siyang nakalagay sa harap mismo ng isang sinehan na ang nakalagay, “FDCP rating PG 13”. Nagulat kami, dahil ang alam namin, ang mandatong FDCP (Film Development Council of the Philippines) ay tumulong sa industriya. Ang siyang legal na gumagawa ng classification ng pelikula at nagbibigay ng ganyang audience rating ay ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Iyon namang CEB (Cinema Evaluation Board), ang ratings niyan ay batay sa kalidad ng isang pelikula.

Inamyendahan na ba ang batas at nakapagbibigay na ng audience classification ngayon ang FDCP, o tanga lang ang naglagay noon sa harapan ng isang sinehan?

Kristoffer may tampo sa GMA

“Pengeng magandang opportunity, at papakita ko ang kaya ko,” sabi sa post ng male star na si Kristoffer Martin.

Ang sinasabi ba niya ay napapansin niyang hindi siya nabibigyan ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang kakayahan bilang isang actor? Ibig bang sabihin niyan ay nag-iisip na rin siyang mangibang bakod dahil hindi siya nabibigyan ng break sa kanilang network?

Mahirap magsalita pero ano nga kaya ang problema at may artistang kagaya ni Kristoffer Martin na hindi nabibigyan ng “opportunity” kagaya ng sinasabi niya?

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with