^

Pang Movies

Matteo no comment pa rin sa pagpapakasal kay Sarah next year

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Matteo no comment pa rin sa pagpapakasal kay Sarah next year
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

Quiet pa rin ang mga malalapit kay Matteo Guidicelli sa tsikang pakakasalan na niya next year ang girlfriend na si Sarah Geronimo.

In fairness to Matteo, bukod sa kinikita niya sa showbiz ay kaliwa’t kanan ang kanyang mga negosyo, kaya puwedeng-puwede na talaga niyang pakasalan si Sarah kung papayag na ang Pop Royalty.

Halos lahat ay naniniwala sila na mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Matteo at Sarah!

Matteo Guidicelli , Sarah Geronimo

Nasa Robinsons Magnolia ako noong Tuesday afternoon nang makita ko si Baeby Baste at ang nanay niyang si Shiela.

That day, absent sa Eat Bulaga si Baeby Baste.

Ang sabi ni Mommy Shiela, inaayos pa raw kasi ang DOLE permit ng bata.

Noong isang araw, nakabalik na sa Eat Bulaga si Baeby Baste at na-renew na ang kanyang permit sa Department of Labor.

Miss MilleNnials 2018 pinaghahandaan na ang finals!

Speaking of Eat Bulaga, pinaghahandaan na ang grand finals ng kanilang Miss Millennials 2018.

Sa October 27 ‘yon at sa KIA Theater ang venue nila.

Star-studded daw ang nasabing event ng longest-rubbing noontime show.

Baby Tali palaging pinagkakaguluhan

Kasama ni Pauleen Luna-Sotto ang anak niyang si Baby Tali kahapon sa Eat Bulaga. Sobrang pinagkakaguluhan ang bata.

Type na type magpa-picture ng mga tao kay Baby Tali.

Ang bait naman ni Baby Tali. Hindi siya iyaking bata at parang palaging masaya.

Coco naalala sa serye nina Chynna at Richard

Going back to Robinsons Magnolia, nakita ko rin doon si Chynna Ortaleza kasama ang father at mother niya.

Si Gryk Ortaleza na dating producer ang father ni Chynna at si Lea ang mother niya.

Kasama rin nila ang mister ni Chynna na si Kean Cipriano at ang daughter nilang si Stellar.

Nagtsikahan kami ni Chynna at binalikan namin noong time na magka-love team pa sila ni Richard Gutierrez sa Click ng GMA 7.

Ipinaalala ko kay Chynna na nakasama na nila noon sa Click si Coco Martin.

Ang alam ko, naka-two taping days din noon si Coco sa Click at sana ay magiging regular cast member, pero naiba ang takbo ng istorya, kaya nawala rin.

“Oo nga, kasama nga siya noon sa Click,” dialogue ni Chynna.

Samantala, palagi pala silang nagmo-mall ng kanyang mag-ama, kasama ang kanyang parents, kapag wala silang trabaho.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with