^

Pang Movies

Maine at Alden isasabong kay Regine!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Maine at Alden isasabong kay Regine!
Alden Richards at Maine Mendoza

Kumalat sa social media kahapon na nakatakdang isabong ng Sunday PinaSaya ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pag-welcome kay Regine Velasquez-Alcasid sa ASAP ngayong Linggo.

Eh, nasa Sydney, Australia ang edition ng Kapamilya Sunday show kung saan isa ang Songbird sa performers. Wala namang choice si Reg kung hindi sumunod sa bagong network kahit na nga ninong nila sa kasal ni Ogie Alcasid si Tony Tuviera.

Kung matutuloy sa SP ang AlDub, naku, asahan ang pagtutok ng AlDub Nation sa muli nilang pagsasama sa isang programa na matagal na nilang kinasasabikan. Twitter party na naman ang ADN bago pa man umere ang Kapuso show!

Eh, naglabas ng bagsik ang fans club ni Meng at ADN nang umere ang kinabibilangang sitcom na Daddy’s Gurl last Saturday. Nilulon nang buong-buo ng sitcom pagdating sa ratings ang dalawang Kapamilya shows na tumapat sa palabas, ang Maalaala Mo Kaya at Kid’s Choice.

Mayor HB ‘di nakipagbalikan kay Tates

Binigyan ng ma­lisya ang paghalik sa labi ni Mayor Herbert Bautista sa da­ting partner at ina ng mga anak na si Tates Gana na lumabas sa isang tabloid.

Para sa kaalaman ng lahat, katuwaan lang ang smack na ‘yon ni Mayor HB kay Tates na naganap nu’ng 58th birthday celebration ng huli. Bago nga ‘yon, nagkasama rin sila sa isang selebrasyon sa Child Haus na isa sa tinutulungan ni Tates na foundation.

Tapos na ang relasyon nina Mayor HB at Tates bilang partner. Pero nananatiling magkaibigan pa rin sila gaya ng turing ng mayor sa isa pang naging partner at ina ng mga anak, si Eloisa Matias.

Sa totoo lang, kahit patuloy ang tsismis kay Mayor Bistek at kay Kris Aquino, walang permanenteng babae sa buhay niya ngayon. Ang Quezon City at mga anak ang dalawa sa priorities lang niya ngayon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with