^

Pang Movies

Angelica walang nakikitang ‘pangitain’ sa balikan kay Carlo

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Angelica walang nakikitang �pangitain� sa balikan kay Carlo
Angelica Panganiban

Kung usapang ex lang naman, wala raw nakikitang “pangitain” si Angelica Panganiban na magkakabalikan sila ni Carlo Aquino, kahit pa confirmed na isang box-office hit ang kanilang last team-up, ang Exes Baggage.

Katulad ni Carlo, siya rin daw ay loveless pero sa ngayon, wala siyang “prospect” kumbaga na posibleng kanyang maging ka-on.

Ayon pa sa kanya, hindi naman daw niya ito ikinakabahala. Tama na raw sa kanya na she is busy professionally.

Sa ngayon, bukod sa seryeng Playhouse, wala pa raw siyang idea what her next big project will be.

But for nearly five years now, napapanood siya sa gag program na Banana Sundae tuwing Sunday.

Sheryl walang maaasahang suporta kay Susan

It’s a done deal na ang pagtakbo ni Sheryl Cruz bilang Konsehal ng Maynila, under the Puwersang Masa ticket ng kanyang ninong sa binyag na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang tanong: uuwi kaya ang kanyang nanay na si former actress Rosemarie Sonora para tulungan siya sa pangangampanya gayung kasalukuyan na itong nakatira sa U.S. with her new family?

Duda ang marami kung makakakuha pa ito ng suporta sa kanyang auntie na si Susan Roces, her mom’s elder sister, dahil sa hindi nila pagkakaunawaan dati tungkol sa ginawa ni Sheryl sa pinsan niyang si Senator Grace Poe na tatakbo rin ngayong eleksyon bilang senador.

Nakasama lang sa Probinsyano, Long gusto na ring maging congressman

Isa na namang member ng cast ng seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano ang bilang na ang mga araw dahil pinasok na rin ang pulitika.

Bali-balitang opisyal nang tatakbo si Long Mejia bilang Congressman ng Camarines Sur.

Hindi sa minamata si Long, Salve A., pero wala naman siyang dugong bicolano. Kaya, ang tanong, ano ang karapatan niya para i-represent ang probinsiya ng Camarines Sur sa Kongreso?

Zanjoe sumugod sa premiere ng pelikula ni Bea

Meantime, naging usap-usapan naman ang pagdalo ni Zanjoe Marudo sa premiere last Tuesday ng now showing na pelikula at first team-up nina Aga Muhlach at Bea Alonzo, ang First Love.

Si Zanjoe ay naging boyfriend noon ni Bea, si Bea naman ngayon ay boyfriend na si Gerald Anderson.

Parehong nasa nasabing event sina Gerald at Zanjoe pero magkalayo naman ang upu­an ng mga ito.

Hindi na kasama si Zanjoe sa after party na ginanap sa isang restaurant sa Greenhills, of course dahil si Gerald na ang nandoon para i-celebrate ang 31st birthday ni Bea.

Sa ganap na 12 midnight ng October 17, mabilis na binigyan ng matamis na halik ni Gerald sa lips bilang pagbati sa kanyang kaarawan ang aktres.

Since present din sa party si Direk Paul Soriano na birthday rin ng araw na iyon, sabay silang inawitan ng Happy Birthday song ng lahat ng bisita, including Aga and family (Charlene, Atasha & Andres), Albie Casiño, who was with a pretty girl, and Edward Barber who was with his Dad and ka-love team na si Maymay Entrata.

“Walang bad blood, kumbaga, between us. Friends and in good terms kami, no matter what,” pahayag ni Bea nang ma-interview siya tungkol kay Zanjoe.

Samantala, sa tatlong babaeng na-link kay Ge­rald sa showbiz, lahat ito ay may mga significant title. Si Bea ay ‘Movie Queen’, si Kim Chiu ay ‘Chinita Princess’ at si Maja Salvador naman ay ‘Dance floor Princess’.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with