^

Pang Movies

Maraming artista makikipag-rambulan sa Elections 2019

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maraming artista makikipag-rambulan sa Elections 2019

Star-studded ang eleksyon sa May 2019 dahil sa mga artista na kakandidato at sana nga, matupad ang mga pangarap nila na makapaglingkod sa bayan.

Mga tatakbo sa eleksyon sa 2019 sina Bong Revilla, Jr., Jinggoy Estrada, Gary Estrada, ER Ejercito, Daniel Fernando, Rommel Padilla, Richard Yap, Rochelle Barrameda, Dominic Ochoa, Ervic Vijandre, Anjo Yllana, Hero at Herbert Bautista, Roderick Paulate, Dan Fernandez, Monsour del Rosario, Edu Manzano, Vilma Santos-Recto, Isko Moreno, Joseph Estrada, Alfred Vargas at marami pang iba.

Hindi showbiz personality si Vico Sotto pero mga sikat na artista naman ang kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes kaya sure ako na dudumugin ng fans ang mga kampanya niya.

Tiyak na susuportahan ng Eat Bulaga hosts ang candidacy ni Vico na may karanasan na sa public service dahil elected councilor siya sa Pasig City. Nag-level up na si Vico dahil tatakbo siya na mayor ng Pasig City.

Gian hindi inakalang magiging pulitiko

Kakandidato naman na vice mayor ng Quezon City si Gian Sotto, ang unico hijo nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang running mate ni Gian na siguradong susuportahan din ng mga Eat Bulaga host.

Forty years old na si Gian at nakakatuwang isipin na 40-years old din si Tito Sen nang mahalal ito na vice mayor ng Quezon City.

Wala sa plano ni Gian na maging pulitiko pero naniniwala siya na ginusto ng Panginoon na mag­lingkod siya sa bayan.

Sa tulong nina Mama Joy at Tito Sen, hindi imposible na matupad ang pangarap ni Gian na mapagsilbihan ang mga kababayan niya sa Quezon City.

Regine dati nang naging Kapamilya?!

Nag-trending kahapon ang contract signing ni Regine Velasquez sa ABS-CBN.

May mga nagtaka sa hashtag na #RegineReturnsToABS dahil sa pagkakaalam nila, true-blooded Kapuso si Regine bago ito nag-ober da bakod sa Kapamilya Network.

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong dahil hindi ko naman me­morized ang history ng showbiz career ni Regine.

Basta ang alam ko, dalawang dekada siya na contract star ng GMA 7 kaya clueless ako sa #RegineReturnsToABS. Si Regine lang ang puwedeng makasagot dahil siya at ang career naman niya ang involved.

Parang pagbabalik ni AiAi sa GMA…

Ang pagbabalik ni AiAi delas Alas ang naalaala ko nang makita ko ang video ng warm welcome kay Regine ng mga empleyado ng ABS-CBN.

Nang bumalik si AiAi sa Kapuso Network noong 2015, maingay ang kanyang comeback dahil nagkaroon pa ng bonggang parade mula sa Sgt. Esguerra St. hanggang sa GMA 7 main entrance sa Timog Avenue.

Nagtipon-tipon din ang mga empleyado ng GMA 7 sa main gate para sa kanilang mainit na pagsalubong kay AiAi na napaiyak sa sobrang kaligayahan.

Napaluha rin si Regine nang pumasok ito kahapon sa bakuran ng ABS-CBN dahil overwhelmed siya sa mainit at maingay na pagsalubong ng mga empleyado ng Kapamilya Network.

Hindi ko pinagkukumpara ang paglipat nina AiAi at Regine. Gusto ko lang i-remind sa fans na paulit-ulit lang ang mga eksena sa showbiz pero iba’t-ibang mga personalidad lang ang involved kaya hindi sila dapat maging emosyonal at mapanghusga.

vuukle comment

GIAN SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with