^

Pang Movies

Aga nagsawa na sa romantic films

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Aga nagsawa na sa romantic films
Aga Muhlach at Bea Alonzo

Matagal na napahinga si Aga Muhlach sa paggawa ng pelikula pagkatapos niya sa pagiging TV host at contract talent ng TV5. Nagdadalawang isip na raw kasi siyang tumanggap ng movie offers dahil pakiramdam niya, tapos na siya sa paggawa ng romantic films at kung gagawa siya ulit, gusto niya ay ‘yung more challenging. Until in-offer sa kanya ng Star Cinema ang pelikulang Seven Sundays.

Naging attracted daw siya sa nasabing pelikula dahil sa kakaibang tema nito, tulad ng kanyang gusto, kahit daw na hindi sa kanya naka-focus ang kuwento.

Kasama niya sa Seven Sundays sina Dingdong Dantes, Enrique Gil and Cristine Reyes, at siya ang gumaganap na panganay sa kanilang apat. Ang tatay nila ay si Ronaldo Valdez na gumaganap na biyudong ama.

Iyon daw ang first time na nakatrabaho niya si Direk Cathy Garcia-Molina at nag-enjoy daw talaga siya. Dahil dito, humakot na naman siya ng mga parangal kung saan ang isa ay pinaghatian pa nila ni Dingdong.

Nagkaroon din siya ng parangal sa Luna Awards kung saan nakuha niya ang kanyang unang trophy dito.

Kahit na ayaw niya nang gumawa ng romantic films, tinanggap pa rin ni Aga ang pelikulang First Love dahil gusto niyang makatrabaho si Bea Alonzo, isa raw kasi ito sa mga hinahangaan niyang aktres sa industriya.

Ang First Love ay mula sa direksyon ni Paul Soriano, who also produces the movie for his Ten17 Productions with Star Cinema and Viva Films.

Ito ang kauna-unahang team up nina Bea at Aga.

Bea kinakarir na rin ang pagbi-bake!

Don’t be surprise kung pasukin din ni Bea ang bake shop business katulad ni Ara Mina, who now owned several bake shops sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.

Katulad ni Ara, si Bea ay isa ring professional baker. Nag-aral nga raw siya sa isang baking school at meron siyang certificate to prove it.

Wala pang planong mag-full time si Bea sa baking business dahil busy pa raw siya sa kanyang showbiz career, pero kapag may nag-order daw at kakayanin din naman niya, gagawin niya raw ito.

Thirty one na si Bea sa October 17, kasabay naman nito ay ang opening ng pelikula nila ni Aga na First Love.

Also in First Love are Sandy Andolong, Albie Casiño and Edward Barbers.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with