^

Pang Movies

Manager sumagot, Jennylyn nagtitiis na lang sa GMA?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Manager sumagot, Jennylyn nagtitiis na lang sa GMA?!
Jennylyn Mercado

Hindi napigilan ng manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila ang sagutin ang isang basher na nagsabing nagtitiis lang daw ang aktres sa GMA-7 dahil may existing contract siya kahit dinededma na raw ito ng network.

Ayon kay tita Becky, hindi raw pinababayaan si Jen ng home network nito.

“To be fair to Gma Mgmnt, me follow up soap na si Jen at hindi naman siya pinapabayaan,” ang bungad na sagot ni tita Becky sa basher sa kanyang Facebook account.

Sinabihan din ng manager ang netizen na itigil ang pangba-bash at kung walang masabing maganda ay huwag nang mag-comment.

“Please stop bashing. Bad yan. If you have nothing good to say then don’t make any comments. Me pacing ang soaps and guestings.
Sana maintindihan ninyo yan.

“Me gagawin movie si Jen under Reality Films and Viva Films.  Something to look forward to for next year.

“Always think positive and thank you for your concern. Jen is doing just fine,” pahayag pa ni tita Becky.

Marami namang umayon sa manager dahil kitang-kita naman na katatapos lang ni Jen ng The Cure noong Hulyo ng taong ito. At tulad nga ng sabi niya, may follow-up na nga agad na soap na posibleng ipalabas early next year.

May nagtanong din sa comments section kung totoo bang lilipat na si Jen sa Kapamilya network at sinagot naman ito ng anak ni tita Becky na si Katrina Aguila who is also Jen’s manager.

“No. We are very grateful for all the support that GMA has given and is still giving Jen. When she was at her lowest nandun sila and hindi siya pinabayaan. Because of that, Jen considers GMA and the people there her family.

“She is looking forward to continue to be a Kapuso,” ang sagot naman ni Katrina.

Samantala, ngayong October 18, catch Jennylyn at the Mega Fashion Hall in SM Megamall for the Max Factor X Beauty with Depth event. Yes, ang Ultimate Star ang First Filipina ambassador ng nasabing international cosmetics.

Sa mga gustong makakuha ng golden ticket, bisitahin lang ang social media accounts ng Max Factor, gayundin ang Facebook page nina tita Becky and Katrina.

Ken hindi makakalimutan ang kabadingan

Itinanggi ni Ken Chan na ayaw na niyang gumanap na bading ulit pagkatapos ng Destiny Rose na matatandaang first lead role niya na ipinalabas noong 2015 kung saan ay pinuri-puri talaga ng manonood ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang transwoman.

Ayon kay Ken, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang Destiny Rose.

“Nasa puso ko na ang Destiny Rose, hindi ko siya makakalimutan. And naging part na siya rito sa puso ko at ‘yun ang nagbigay sa akin ng mga doors, pati windows pa nga, para magkaroon ng magandang estado rito sa industriya natin,” pahayag ni Ken nang huli naming makausap.

“Hindi po ako natatakot na mabigyan ng kakaibang roles, gusto ko pa nga talaga ‘yun. Na ma-challenge ako,” dagdag pa ng Kapuso actor.

Sa ngayon ay napapanood si Ken sa My Special Tatay ng GMA-7 at very challenging din ang role niya rito bilang isang ama na mayroong Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with