^

Pang Movies

Daniel hindi peke ang sold out concert

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel hindi peke ang sold out concert

Naniniwala kami na isa ngang malaking hit ang naging concert ni Da­niel Padilla sa Araneta Coliseum noong nakaraang Sabado. Una, narinig kasi namin na totoong sold out ang tickets ilang araw bago pa man ang concert. Ikala­wa, napakataas daw ng bentahan ng tickets ng mga scalper. Hindi mo naman mapipigil iyan eh, sila ang bumibili ng tickets maaga pa lang, tapos naghihintay sila ng mga darating na wala pang tickets at ibebenta nila nang mas mahal, depende siyempre sa demand.

Basta ang mga scalper nagbenta ng tickets na pareho lang ang presyo, o kung minsan mas mababa pa sa presyo ng tickets, meaning palugi sila, ibig sabihin noon walang bumibili ng tickets at nagtitiyaga sila kahit na malugi basta may mabawi lang kahit papaano.

Ang talagang matinding ebidensiya, basta ang Araneta ay may ilaw hanggang sa itaas, at ipakikita sa mga video na mara­ming tao, talagang hit iyan kagaya nga ng concert ni Daniel. Kahit na sabihin nilang hit ang concert, basta madilim ang audience area sa mga videos, asahan ninyo nambobola na lang iyan.

Aba doon sa concert ni Daniel lighted pati ang general admission at makikita mong punung-puno. Ang fans din ni Daniel na nasanay na yata sa block screening ng pelikula, aba eh block by block din daw kung bumili ng tickets para siguradong tabi-tabi sila. At hindi hinahakot iyan ha dahil hindi sabay-sabay ang dating. Hindi kagaya noong nabalitaan namin kamakailan lang na ibi­nababa ng bus sa likod ng isang mall ang hinahakot na audience.

Ang isa pang narinig namin, mukha raw talagang pinag­handaan ni Daniel ang kanyang huling concert dahil mahusay ang kanyang rendition ng mga awitin, kahit na iyong mga standard. Kaya nga ang iba dinadaan sa rap o kaya rock para hindi halata kung sumasalto man ang boses.

Pero kung ang isang performer kumanta ng standards, aba mas mahirap ‘yan dahil kaunting mali ay alam ng nakikinig, at ganoon ang binabanatan ni Daniel. Isipin ninyo, kumakanta na siya ngayon ng mga standards kagaya ng Just the Way You Are, at kamakailan lang ang Girl from Ipanema.

Pelikula ni Mendoza inaabangan kung makakabalik sa MMFF

Totoo pala ang narinig naming tsismis na nagkaroon sila ng isang matinding pagtatalo na nauwi raw sa sigawan, nang sabihin ng isang screening committee member na huwag isali ang pelikula ni Brillante Mendoza na tungkol sa war on drugs dahil baka masamain pa ng presidente ang paglusot ng isa pang pelikula tungkol doon. Sa halip pinapasok ang pelikula ni Joven Tan, na ang bida ay isang basketball player.

Akala namin, ang commercial value ng pelikula ang dahilan, dahil 40% iyon sa criteria. Kailangan kikita. Ang pelikula ni Mendoza sigurado iyon pasado sa quality, pero bagsak sa kumersiyalismo. Ayaw naman naming isipin na ang pelikula ni Tan ay pasado sa kumersiyalismo at bagsak sa quality.

Pero iyon pala may political considerations din na hindi mo naman maiaalis.

Anyway, pareho naman silang indie.

Aktres ginagatasan ang mga kaibigang lesbian

Ang lakas daw mambola at manghingi ng pera sa kanyang “friends” ng isang female star. Kung anu-ano ang kanyang alibi. Kesyo kailangan niya ng pera para sa school, sa gamot sa sakit niya at kung anu-ano pa. Basta hindi na siya binibigyan ng kanyang mga friend, hindi na niya kinikibo ang mga iyon.

Pero ang kakatuwa pa, mukhang lahat ng kanyang mga “friend” ay lesbians.

Ayaw ng LGBT ng sinasamantala sila ha.

vuukle comment

DA­NIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with