^

Pang Movies

Sarah magiging host na rin sa Eat Bulaga

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah magiging host na rin sa Eat Bulaga
Sarah Lahbati

Kahapon sa Eat Bulaga ay nag-judge na naman si Sarah Lahbati.

May mga nagtatanong kung hindi raw ba siya magho-host sa nasabing longest-running noontime show na pinangungunahan nina Vic Sotto at Joey de Leon?

Mamaya, mapapanood uli si Sarah sa Eat Bulaga at masasagot na ang tanong na ‘yon ng kanyang mga fan.

Yup, hindi na lang judge mamaya si Sarah sa Eat Bulaga, magho-host na rin siya.

Pinch hitter ni Luane Dy si Sarah at next week, kay Pia Guanio naman siya magpi-pinch hit dahil magbabakasyon din ito.

May mga fan naman si Sarah na sa tuwa ay nagsasabing sana ay maging regular na siya sa nasabing show.

Maine ‘di natanggap ang award

Wala si Maine Mendoza nang manalo siyang Best Female TV Host sa Star Awards for Television noong Sunday night.

May shooting daw kasi sila ni Coco Martin.

Kahapon sa Eat Bulaga, nag-speech si Maine tungkol sa parangal sa kanya ng mga miyembro ng PMPC (Philippine Movie Press Club).

Ogie wagi bilang Best Comedy Actor

Kahit nasa ibang bansa si Ogie Alcasid, nakarating sa kanya ang pagkapanalo niya bilang Best Comedy Actor para sa Home Sweetie Home sa Star Awards for Television.

Nagpasalamat si Ogie sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Pagdating ni Ogie sa Wednesday, ibibigay sa kanya ng manager niyang si Leo Dominguez ang kanyang trophy.

Sa araw rin na ‘yon ay aalis na naman siya pa-Sydney, Australia para sa ASAP Live in Sydney.

Maiiwan lang sila ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid ng isang araw dahil makikipag-bonding pa sila sa anak niyang si Sarah at pati na rin sa mag-asawang Mark at Michelle (van Eimeren) Morrow.

Nag-birthday kasi noong first of September si Sarah, kaya may belated celebration sila sa Sydney after ng ASAP show.                                                                                                                

Julia nakailang palit ng gown, gustong gayahin si Sarah Jessica Parker

Nakailang palit ng gown si Julia Barretto bilang co-host sa Star Awards for Television.

Nang makita ni Raymond na nagpalit ng gown si Julia, biniro niya ito na gayahin si Sarah Jessica Parker na noong mag-host ng isang awards night some years back ay naka-13 gowns yata.

In fairness, ang gaganda ng gowns ni Julia noong Star Awards for Television.

Obvious na pinaghandaan niya ang event na ‘yon.

Karla nangangayayat na

May mga nakakapansin na pumapayat na si Karla Estrada.

Ang panunukso sa kanyang katabaan ang dahilan ng pagpapapayat ng nanay ni Daniel Padilla.

Pero ngayon kayang nasa Amerika siya, hindi kaya lumaki na naman siya?

Well…

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with