^

Pang Movies

KC idinamay si Marian sa pagde-design ng singsing

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC idinamay si Marian sa pagde-design ng singsing
KC Concepcion at Marian Rivera

May mga hindi natuwa na inspired ni KC Concepcion ang latest design niya ng ring from her AVEC MOI collection sa kaibigang si Marian Rivera.

Sabi ni KC: “This version of the ring (usually made in solid gold, diamonds and a signature gold rose) was made w/ an elegant black rose inspired by @marianrivera’s fierceness & feminine edge.”

Nag-post ng emojis si Marian bilang pasasalamat at nagpasalamat din kay KC ang fans ni Marian. Pero hindi lahat ay natuwa, may dalawang naligaw na parang inaway pa si KC. Yung isa, pinag-iingat pa si KC at baka awayin din daw siya ni Marian.

Obvious na ayaw ng dalawang nilalang na ‘yun na maging friends sina KC at Marian. Kaya lang, sorry na lang sa dalawa dahil matagal ng friends sina KC at Marian at nagpapadala pa nga sila ng regalo sa isa’t isa.

Naalala rin namin na pinasalamatan ni Sharon Cuneta si Marian for loving KC.

Vice pinag-interesan si Alden

Pagkatapos ni Marian Rivera, si Alden Richards naman ang featured ni Vice Ganda sa IG Story niya. Dumalo kasi si Vice sa event ng Garage Magazine na kung saan, may fashion show at isa si Alden sa rumampa.

Kinunan ng video ni Vice si Alden pati ang pagrampa nito at may comment pa si Vice ng “ang cute” at “gwapo ni Alden.”

Hindi alam kung nagkita after ng fashion show sina Vice at Alden at kung nagkita man, malalaman din natin dahil tiyak na ipo-post ni Vice ang picture.
Hindi uso sa kanila ang network war, basta sila magkaibigan.

Napapansin namin, every week na lang may tinatanggap na award si Alden Richards. Noong nakaraang linggo, nanalo siyang Best Male TV Host ng Star Awards for TV para sa Eat Bulaga.

This October alone, parang apat na awards na ang natanggap ni Alden na lubos nitong ipinagpapasalamat.

Samantala, tuloy pa rin ang taping ni Alden ng Victor Magtanggol at sa tsikang hanggang November na lang ang airing ng telefantaserye, ang sabi ni Alden nang makausap namin sa taping, wala pang sinasabi ang network kung hanggang kailan eere ang show.

Magtapos man sa November yun ay dahil umabot na sa one season.

Regine todo promote sa nilayasang show

In fairness kay Regine Velasquez, kahit wala na siya sa GMA 7 at iniwan na ang Sarap Diva, pinu-promote nito ang Sarap ‘Di Ba? na papalit sa Sarap Diva at host si Carmina Villarroel kasama ang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa final episode nga ng Sarap Diva, prinomote nito ang Sarap ‘Di Ba? at pinaaabangan ang pilot ng show sa October 20, incidentally ‘yun din ang petsa na lalabas sa ASAP si Regine na live na mapapanood sa Sydney, Australia.

VM Joy, join sa World Pandesal Day

Kabilang si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa special guest sa World Pandesal Day na ipinagdiriwang ngayon, October 16, sa nasunog na Kamuning Bakery & Cafe. Makakasama ni VM Joy na dadalo sa event sina Sen. Risa Hontiveros, PNP Gen. Eleazar, Bong Go, GMA President & CEO Atty. Felipe L. Gozon at iba pang surprise guests.

May treat ang owner na si Wilson Lee Flores sa mga dadalo, mamimigay siya ng 70,000 pandesal breads at iba pang pagkain ng libre. Pagkatapos nito, ide-demolish na ang nasunog na Kamuning Bakery at ang maiiwan lang ay ang dalawang pugon.

Sa Oct. 28, Sunday, 8 a.m., magkakaroon ng free medical, dental at optical mission sa Kamu­ning Bakery & Cafe in cooperation with the Chinese General Hospital led by CEO Dr. James Dy.

vuukle comment

KC CONCEPCION

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with