^

Pang Movies

Vina at Derek nagpasabog ng kaseksihan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Vina at Derek nagpasabog ng kaseksihan
Vina at Derek

Wala talagang kupas ang pagiging hot at sexy ni Vina Morales. Nagpasabog siya ng alindog sa kanta niyang Eres Mio na ang ibig sabihin ay ‘you’re mine’ na ini-released ng ABS-CBN Starmusic.

Parang si Jennifer Lopez ng ‘Pinas ang peg ni Vina simula dati pa, dahil nga rito ay tinagurian siyang The Ultimate Performer ng bansa.

Inggit na inggit ang mga kababaihan sa kanya nang ilabas ang music video ng nasabing kanta, paano ba naman kasi, si Derek Ramsay ang katambal niya.

Hot na nga siya ay hot pa si Derek, kaya mas lalong naging sexy ang kinalabasan nito.

Si Derek ay isa sa mga bestfriend ni Vina, kaya naman pumayag agad ito nang imbitahan siyang gumawa ng MV bilang suporta na rin sa kanya.

Na-maintain ni Vina ang kanyang katawan bagama’t pang-atleta ay hindi naman masagwa dahil magaling siyang magdala.

Kasama siya sa katatapos lang na serye na Araw Gabi nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Gumanap siya rito bilang kontrabida.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with