^

Pang Movies

Pia super in love kay Marlon!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pia super in love kay Marlon!
Marlon at Pia

Malabong maghiwalay


Kasalukuyang nasa Singapore si Pia Wurtzbach.

Hindi kasama ni Pia ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger sa Singapore dahil busy rin naman ang Miss Universe 2015 dahil sa taping niya roon ng Metro Channel travel/lifestyle show niya sa Pia’s Postcards.

Ayon sa direktor niyang si Frank Lloyd Mamaril, last taping na nila ‘yon for the year.

Mukhang marami na rin naman silang na-advance.

Sa Singapore nga lang, four days daw silang nag-taping.

Anyway, umuwi na rin naman ng bansa kahapon si Pia and for sure, nagkita na naman sila ni Marlon dahil tama nga ang sinabi ng isang source na hindi siya naniniwalang tuluyang maghihiwalay ang dala­wa.

Sobra raw mahal ni Pia si Marlon.

Zion very showbiz na

Si Richard Gutierrez sa dubbing kahapon ng Fantastica, The Princesses, The Prince and The Perya, ang Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Star Cinema at Viva Films.

Bale 2:00am na rin kahapon natapos sa last shooting day ng nasabing pelikula si Richard.

Sa Bulacan pa ang location nila at anong oras na rin siya nakauwi sa bahay nila ni Sarah Lahbati sa may Alabang.

At 10:00am nag-taping naman siya para sa isang episode ng show ng twin-brother niyang si Raymond Gutierrez na ipapalabas sa iWantTV, ang digital plastform ng ABS-CBN na mala-iFlix at Netflix.

Nang makausap ko nga sa cellphone si Richard habang bumibili ng kape sa isang coffee shop sa may Tomas Morato, Quezon City ang assistant niya, parang kagigising lang niya at nasa loob daw siya ng sasakyan.

Kasama raw niya si Zion at parang bonding nila ‘yon. Madalas sumasama si Zion kay Richard. Ilang beses din itong nakadalaw sa shooting ng Fantastica at enjoy itong makita sa set ang ninong niyang si Vice Ganda.

Sumasama rin naman sa ibang showbiz works ni Sarah si Zion. Biniro ko nga si Sarah na parang “very showbiz” na si Zion.

Kulang na nga lang ay mag-artista na talaga ang bata, pero ayaw pang pumayag nina Richard at Sarah.

Regine, hindi mataas na TF ang habol sa Dos!

Maraming fans si Regine Velasquez-Alcasid ang naghahanda na sa pagda­ting niya sa Sydney, Australia para sa ASAP Live in Sydney.

Marami ring mga fan si Regine sa iba’t ibang mga bansa na may TFC (The Filipino Channel) ang na-excite na kasama na ni Ogie Alcasid sa ABS-CBN ang Asia’s Songbird.

Ngayon pa lang, inuulan na ng request ang TFC na ilibot sa iba’t ibang events nila sa iba’t ibang bansa ang mag-asawa.

Mas magiging malawak nga raw ang “reach” ni Regine ngayong nasa Kapamilya network na siya.

Pero ang tanong naman ng iba – kung mas malawak na ang reach ni Regine, mas maging rich daw kaya siya sa Dos?

Feeling ko naman, hindi talent fee ang unang consideration ni Regine sa paglipat niya sa Kapamilya network.

What do you think, Ateng Salve?

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with