^

Pang Movies

Balik-pulitika Mark at Lito handa nang ‘mamatay’ sa AP

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Balik-pulitika Mark at Lito handa nang �mamatay� sa AP
Lito Lapid

Hindi pala sa Angeles City, kung hindi sa Porac, Pampanga tatakbo bilang Mayor si Mark Lapid this coming 2019 elections.

Malapit daw sa mga Lapid ang Pampanga, in fact, nang matapos ni Lito Lapid ang kanyang termino sa pagiging senador, sinubukan nitong mag-mayor sa Angeles City noon, pero hindi siya pinalad na manalo.

Of Mark, he has served na as Governor of Pampanga, at during President Noynoy Aquino’s term, binigyan niya ito ng position sa Department of Tourism.

Naging busy ang mag-ama lately dahil sa kanilang mga respective roles sa FPJ’s Ang Probinsyano na malapit na rin nilang i-give up dahil nga sa kanilang pagbabalik sa pulitika.

Lito is running again for Senator on May 2019 elections.

This early ay inaabangan na ng followers ng Ang Probinsyano kung paano sila papatayin sa nasabing serye.

Rowell feel na feel ang pagiging tatay kay Ryza

Bow kami sa napaka-warming na performance ni Rowell Santiago sa Ang Probinsyano nang mayakap niya na ang kanyang anak finally na ginagampanan ni Ryza Cenon, na ligtas namang naitakas ng grupong Vendetta mula sa kamay ng mga tauhan ni Edu Manzano.

Feel na feel ng mga manonood na naka-relate ng husto si Rowell sa kanyang role bilang isang ama, kahit sa tunay na buhay ay wala pa talaga siyang asawa at mga anak.

Yes, binata pa rin si Rowell.

Samantala, bukod sa pagiging presidente niya sa Ang Probinsyano, isa rin siya sa mga magagaling na concert director sa entertainment.

Siya ang namahala sa katatapos lang na concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum, which marked her 40th year in showbiz.

Na-link at one time sina Sharon at Rowell sa isa’t isa.

Twice nang nag-asawa si Sharon. Her first husband of course, was actor Gabby Concepcion.

Sharon has three children with his second and last husband, Senator Francis Pangilinan.

Mayor Erap at Binay problemado sa ‘bangayan’ ng kani-kanilang mga anak

Sina former President and now Manila Mayor Joseph Estrada and former Vice President Jojo Binay who is running this time for a seat in Congress in one of the Makati districts, ay parehong may problema.

Yes, bilang mga ama, at may kinalaman sa kasalukuyang ‘bangayan’ ng kani-kanilang mga anak na pare-parehong type tumakbo for the same position.

Katulad na lamang ng mag-half siblings na sina former Senator Jinggoy Estrada and outgoing soon Senator JV Ejercito.

In the case of former Vice President Binay naman, his two children, Abby (the incumbent Makati Mayor) and Junjun (former Mayor of the City) ay parehong gustong tumakbo sa iisang posisyon.

Sino naman kaya sa magkakapatid ang papayagan ng kani-kanilang mga ama?

Of Mayor Erap, tatakbo pa rin daw siya para sa ikatlong termino bilang Manila Mayor kahit na sinasabi ni Vice Mayor Isko Moreno na matanda na siya para sa nasabing posisyon.

Isa ring determinado na manalo sa same position ay si dating Manila City Mayor din na si former NBI head Alfredo Lim.

88 years old na si Lim at ipinanganak siya noong December 21, 1929, habang si Mayor Erap naman ay kaka-81 pa lang noong April 19.

Isko will turn 44 on October 24.

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with