^

Pang Movies

Jo Berry hindi na makalabas ng bahay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jo Berry hindi na makalabas ng bahay

Aminado si Jo Berry na malaki ang nabago sa kanyang buhay simula nang magbida siya sa Onanay.

“Hindi na ako makakalabas nang basta-basta labas lang. Kasi, nadudumog po ako. Saka hindi na ako makaalis na ‘yung pag nagpaalam ko, ‘o sige,’ ganu’n lang, pag with friends po. Hindi na ako pinapayagan basta-basta lalo ng parents ko, kasi alam nila na iba na nga po,” sey ni Jo nang makatsikahan namin sa set visit ng Onanay.

Na-appreciate raw niya siyempre na marami na siyang fans pero hindi rin daw maiwasan minsan na may mga tagahangang dahil sa labis na tuwa ay nandiyang mangungurot or manghahatak.

Pero hanggang ngayon ay surreal pa rin daw ang feelings sa kanya na nare-recognize na siya ng mga tao.

“Na dadating pa sa puntong may mga fans na lalapit sa akin tapos nanginginig, umiiyak, tapos ia-ask ako na ‘pwede ka ba naming ma-hug?’ Ganu’n po,” kwento pa niya.

“Tapos, nae-experience ko na rin po na binibigyan ako ng flowers, pinapadalhan ako sa bahay ng mga fans, tapos may letter pa,” dagdag pa ni Jo.

Pero ang talagang ikinatutuwa at ipinagpapasalamat daw niya ay ‘yung nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa mga tao. Na ang isang tulad niyang “little person” ay pwede ring maging inspirasyon sa marami.

“Laging ang natatanggap ko na message is nagpapasalamat sila kasi nai-inspire ko sila. Ang sarap po sa feeling ko nu’n kasi bago naman mag-start, ‘yun talaga ang goal ko. ‘Yun ang gusto kong mangyari, na maka-inspire ng mga tao,” she said.

Andrea enjoy sa iba’t ibang role

All smiles ang Kapuso actress na si Andrea Torres nang muli siyang pumirma ng management contract sa GMA Artist Center.

Nagpapasalamat siya dahil sa tiwala at iba’t ibang roles na ibinibigay sa kanya ng GMA.

“I’m very happy. Masasabi ko nang na-try ko na mag-fantasy. Dati rin akala ko hindi bagay sa akin ang action pero nae-enjoy ko siya ngayon,” pahayag ni Andrea.

Samantala sa GMA telefantasya na Victor Magtanggol, gustong manatili ni Modi (Pancho Magno) sa Midgard para bawiin ang mjolnir na tututulan naman ni Sif (Andrea). Handa na si Victor (Alden Richards) na isuko ang martilyo ni Thor at bumalik sa kanyang pamilya.

vuukle comment

JO BERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with