^

PSN Opinyon

Blue Christmas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

LUSAW na raw ang “Red October” destab plot laban sa Pangulong Duterte, ani Defense Secretary Delfin Lorenzana. “White Christmas” na lang daw ang inaaba­ngan ngayon.

Sa gustuhin natin o hindi, walang makapipigil sa Pasko. Pero kung ano ang magiging kulay nito ay hindi natin matitiyak pero malamang kaysa hindi, ito ay magiging “Blue Christmas” o Paskong malungkot gaya ng paborito kong awitin ni Elvis Presley.

Yung White Christmas ay hindi mangyayari at hindi pa nangyari kailanman sa Pilipinas dahil hindi naman umuulan ng yelo rito sa atin. At kung ang “white” ay simbolo ng kasaganaan, tila Malabo pa ring mangyari ito dahil sa hindi mapigil na pagsirit sa halaga ng bilihin na inaasahang tataas pa sa buwan ng Disyembre.

Mismong si Presidente Duterte na ang nagsabi sa mamamayan na walang magagawa ang gobyerno upang mapigilan ang mataas na inflation. Siya rin ang nagsabing paghandaan ang mas matinding kahirapan dahil nakagapos ang kamay ng pamahalaan at hindi kayang labanan ang tumataas na presyo ng krudong langis.

Sasabihin marahil ng iba na mabuti at nagiging tapat si Duterte sa kanyang mga pahayag at hindi naglulubid ng buhangin para sabihing maganda ang magiging bukas­ para sa atin. Pero wala siyang magagawa at hindi siya puwedeng mambola sa panahong ito. 

Ang alam ko lang, tila hindi tumama ang prayoridad ng gobyerno na sa halip lingapin ang kapakanan ng bayan­, inuna­ ang paniningil ng karagdagang buwis para sa mga proyektong pang-imprastruktura nito.

Napakalayo pa bago maabot ang mithiing kaunlaran ng kabuhayan sa proyektong “build, build, build” na bago marating ay baka mamatay muna sa gutom ang mamamayan.

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with