^

Pang Movies

ABS-CBN at GMA-7 kinumpirma na ang paglipat at pag-alis ni Regine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

So, it’s confirmed. Nilisan na nga ni Regine Velasquez ang GMA-7 na naging tahanan din niya for the the past 20 years at lumipat na sa ABS-CBN. Ito ay base sa announcement ng ABS-CBN Australia at sa official statement ng GMA-7 na inilabas kahapon.

 

Nauna nang naglabas ng announcement/press release ang ABS-CBN Australia last Friday at ipinahayag na mapapanood na si Regine sa ASAP Live in Sydney on Oct. 20.

May titulong “Ms Regine Velasquez-Alcasid, Lizquen, to join ASAP Live in Sydney on October 20,” narito ang nakasaad sa unang bahagi ng press release:

“ABS-CBN Australia announced today stellar additions to the already star-studded ensemble cast of ASAP Live in Sydney on October 20, Saturday at the ICC Sydney Theatre.

“Ms. Regine Velasquez Alcasid, much-acclaimed Asia’s Songbird is joining husband and ASAP mainstay Ogie Alcasid as a special guest in the highly anticipated TFC Live Event in Sydney. This marks the first time that the best selling OPM artist of all time will be part of ASAP live event overseas.”

Kahapon ay nag-release na ng official statement ang GMA-7’s Senior Vice President for Entertainment na si Lilybeth G. Rasonable regarding the matter at aniya ay naiintindihan naman daw ng network kung nais ni Regine na sundan ang asawa nito.

Bagama’t wala pa namang direktang kumpirmasyon ang mag-asawang Regine at Ogie tungkol dito, pareho silang nag-post ng promotional poster ng ASAP sa Sydney kung saan ay ang Asia’s Songbird ang nakalarawan.

Sa caption, Regine wrote, “see you guys in Sydney.”

Caption naman ni Ogie, “#excited God bless mahal @reginevalcasid.”

Ang inaabangan ng lahat ngayon ay kung every Sunday na bang mapapanood si Songbird sa ASAP pagkatapos ng Sydney show at kung anu-ano ang shows na ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Mga totoong lalaki nagbihis babae para sa Queen of WEMSAP 

Apatnapung limang male candidates ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines) ang naglaban-laban para sa kauna-unahang Queen of WEMSAP na ginanap last Wednesday, Oct. 10 sa Aliw Theater.

Aliw ang pageant dahil first time yata kaming nakakita ng isang beauty pageant na straight men ang mga candidates na nagpapanggap na babae. Kuntodo naka-gown at naka-make-up talaga sila na akala mo’y sumasali sa isang national beauty pageant.

At tulad din ng Miss Universe, may mga kanya-kanya ring bansang ni-represent ang mga candidate na siyem­pre ay kiyeme lang.

Spearheaded by the country head and founder Mr. Wilbert Tolentino, layunin ng Queen of WEMSAP pageant na magbigay ng impormasyon about WEMSAP at mag-reach-out sa target workforce.

“WEMSAP aims to continute to provide jobs to thousands of mostly out-of-school youth and the unemployed,” pahayag ni Tolentino na bukod sa kanyang negosyo ay nasa mundo rin ng pageantry dahil naging Mr. Gay World Philippine siya in 2009.

Sa nasabing pageant ay limang titulo ang pinaglabanan ng mga kandidato – Queen of Wemsap Supranational 2018, Queen of Wemsap Earth, Queen of Wemsap International at Queen of Wemsap World 2018.

Si Miss Uruguay ang hinirang na Ms. Supranational na nag-uwi ng P25,000.00, ang Ms. Earth naman ay si Miss Thailand who won P50,000.00, Miss International si Ms. Puerto Rico with P100,000.00, Miss World si Miss Mexico with P200,000.00 at ang grand prize winner na nag-uwi ng P500,000.00, ang Queen of Wemsap Universe 2018 ay napanalunan ni Ms. South Africa.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with