^

Pang Movies

Matapos pintasan noon Lea, napuri si Daniel sa pagiging seryoso

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matapos pintasan noon Lea, napuri si Daniel sa pagiging seryoso
Lea

Ayon kay Lea Salonga, kahanga-hanga raw ang mga artista na sineseryoso ang kanilang career katulad ng kanyang katrabahong ‘di niya pinangalanan.

 

Kung haharap ka sa mga tao sa isang concert ay dapat mo nga namang masiguro na nasa ayos ang lahat ng iyong gagawin dahil nagbabayad ang mga tao eh.

Kailangan magsikap ka para maibigay mo sa kanila ang kasiyahang kanilang inaasahan. Hindi kagaya ng ilang concerts na narinig namin nang naglalabasan na ang mga tao ang kanilang sinasabing comment ay “wala lang”.

In the end, nagbigay ng clue si Lea kung sino ang nasa blind item niya. Sabi niya, “itago na lang natin siya sa pangalang Daniel Padilla”.

Kung sabagay, kahit naman noon marami ang nagsasabi nang ganyan, si Daniel talaga dinidibdib niya ang trabaho niya. Hindi nga ba kahit na si Oli­via Lamasan sinasabing si Daniel ang parang Aga Muhlach ng panahong ito. Ganoon din ang comment ni Cathy Garcia-Molina, na nagsasabing lumalabas na si Daniel ay mas mahusay pa kaysa sa dati niyang paboritong leading man.

Kasi nga si Daniel seryoso sa kanyang trabaho. Siguro dahil na rin sa kanyang mga naging karanasan sa buhay. Nadama niya ang pagbuti ng kalagayan niya sa buhay noong siya ay sumikat bilang isang actor at dahil doon pinahahalagahan niya ang kanyang propesyon.

Umabot na siya roon sa tuktok ng kanyang career. Nagawa na niya ang highest grossing film of all time. Aba dapat talaga mas doble pa ang pagsisikap niya ngayon. Mahirap mai-maintain kung gaano ka katagal sa itaas.

Rayver sanay na sa ‘Ate Lot’

“Ok naman silang dalawa,” ang maikling sagot lang ni Lotlot de Leon nang tanungin siya tungkol kay Rayver Cruz at sa kanyang anak na si Janine Gutierrez. Hindi naman maikakaila na mag-syota na nga ang dalawa sa ngayon. Sa unang sabak naman ni Rayver sa GMA, sa seryeng Asawa Ko Karibal Ko, suwerte rin namang ang isa sa makakasama niya ay si ‘Ate Lot’.

Natatawa na lang si Rayver nang kinukulit siya kung bakit ang tawag niya sa ermat ng syota niya ay Ate Lot. Ang sabi na lang niya, “nakasanayan na po kasi na iyon ang tawag ko sa kanya. Kahit po noong una pa, hindi pa ako nanliligaw kay Janine, close na kami ni Ate Lot. Minsan nilalambing pa namin siyang ipagdala kami ng food sa set at ginagawa naman niya. Mabait siya sa amin ever since at talagang naging close na kami. Hanggang ngayon nga hindi ko na mabago iyong nakasanayan kong ang tawag ko sa kanya ay Ate Lot,” kuwento ni Rayver.

Steve Dailisan iniwanan na ang pagbabalita, nagpiloto na lang

Kung hinahanap na ninyo sa mga newscaster ang dating reporter ng GMA-7 na si Steve Dailisan, sinasabi nga niyang nami-miss na rin naman niya ang dating trabaho, lalo na ang mga naging coverage niya sa panahon ng mga disasters. Pero iba na nga ang linya ni Steve ngayon. Isa na siyang piloto.

Hindi lang namin alam kung pagdating ng panahon at magsasalita na siya sa kanyang mga pasahero ay sasabihin niya “this is your pilot Steeeeeeeeeve Dailisan”. Congratulations na lang kay Steve. Mabait na bata iyan.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with