^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Excise tax ang dahilan, hindi si Ompong

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Excise tax ang dahilan,  hindi si Ompong

UNANG sinisi ni Pres. Rodrigo Duterte si US Pres. Donald Trump dahil sa pagtaas ng inflation rate. Kasunod na sinisi ang pagtaas ng bigas at noong nakaraang linggo, ang Bagyong Ompong naman ang sinisi ni Digong. Sino pa ang susunod na sisisihin?

Walang dapat sisihin kundi ang pinapataw na excise tax sa petroleum products. Mahal na ang langis sa world market ay lalo pang nagmahal makaraang patawan ng buwis alinsunod sa TRAIN Law na nagkabisa noong Enero. Sa kasalukuyan, pumapalo na sa $83 ang isang bariles.

Noong Martes, muli na namang nagtaas ang presyo ng gasolina at diesel. Ito ang pangsiyam na pagtataas mula pa noong Agosto. Nagtaas ng P1.00 ang gasolina at P1.40 ang diesel. Noong Sabado, nag-rollback ng presyo ang ilang oil companies pero kakarampot.

Marami nang umaaray sa sunud-sunod na pagtataas at hindi na malaman kung paano pagkakasyahin ang kinikita. Sa tuwing tumataas ang presyo ng gasolina at diesel, tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin --- bigas, sardinas, asukal, mantika, kape, gatas at iba pa. Nag-anunsiyo ang Meralco na magtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan na ito. Nagbanta ang transport groups na magsasagawa sila ng tigil pasada kapag hindi inaprubahan ang kanilang hi-ling na itaas ang pasahe.

Hiling nila na itaas sa P12 ang pasahe sa jeepney mula sa P9 na minimum. Wala na raw silang naiuuwi sa pamilya sapagkat napupunta lamang sa diesel. Kailangan daw aprubahan  ang kanilang hiling at kung hindi, malawakang tigil pasada ang gagawin nila.

Marami nang humihiling sa pamahalaan na suspendihin na ang pinapataw na excise tax sa petroleum products lalo pa’t umabot na sa $83 bawat barrel. Nakasaad sa TRAIN na kapag lumampas sa $80 barrel dapat suspendihin ang tax sa petroleum products.

Sa isang Cabinet meeting sa Malacañang, nagpahiwatig ang Presidente na posibleng isuspende ang tax sa petroleum products. Pag-aaralan daw niya. Gawin na ito ngayon at huwag nang patagalin pa. Habang tumatagal pahirap nang pahirap ang mamamayan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with