^

Pang Movies

Pero problemado pa sa pagpapa-opera, Nora gusto na uling kumanta

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pero problemado pa sa pagpapa-opera, Nora gusto na uling kumanta
Nora Aunor

Medyo masama ang pakiramdam ni Superstar Nora Aunor nang pasyalan namin sa taping kahapon ng Onanay. Mainit kasi sa lugar na pinagte-teypingan at nagha-hyper ventilate siya.
Pero kahit masama na ang pakiramdam ay pinagbigyan niya pa rin kaming makapanayam siya at sinagot ang mga katanungan.

Ani ate Guy, sobrang nag-e-enjoy daw siya sa taping ng Onanay dahil magaan lang at masaya raw lagi sa set. Sobrang professional daw ng mga kasama niya including the young generation tulad nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Enrico Cuenca at si Jo Berry.

Puring puri ni ate Guy si Jo dahil napakagaling daw umarte considering na first teleserye nito ang Onanay. “Yung anak ko na ‘yun, naku bilib ako. Sa memorya, bilib ako, mabait na bata, malambing, ewan ko ba du’n kung bakit napalapit nang husto ang puso ko sa batang ‘yun. Parang anak ko na, eh,” sey niya.
Sa ngayon ay naka-focus si ate Guy sa Onanay at hindi muna raw siya magpepelikula hanggang sa pagtatapos ng taon.

Pero ang talaga raw nami-miss nya ay ang pagkanta dahil as we all know ay hindi pa bumabalik ang nasira niyang boses. Matagal na niya dapat itong ipinaopera pero hindi nga matuluy-tuloy pa.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya alam kung kailan siya makakapagpaopera lalo pa nga’t sa ibang bansa pa ito isasagawa. “Katulad ngayon, gustuhin ko man, paano ako makakaalis? Ang operasyon, sandali lang ‘yun, pero ‘yung recovery at saka magpapa-therapy ka pa, eh. Sa New York pa ‘yun, baka abutin pa ng ilang buwan ‘yun.”
Aminado ang Superstar na sobrang ikinalulungkot niya na hindi siya nakakanta lalo pa nga’t ito ang first love niya at alam din naman nating lahat na sa pag-awit siya talaga sumikat.

“Apektado ako talaga lalo na pag may naririnig akong kumakanta na magagaling. Minsan, iniisip ko, sana nakakakanta na ako.

“Hindi ko pwedeng makalimutan ang pag-awit dahil diyan ako nakilala ng mga tao. Kaya hangga’t maaari talaga, may awa ang Diyos, gusto ko talagang maibalik ang boses ko,” pahayag pa ni ate Guy.

Coco at Yassi, tatanggap ng Kuya Germs award

Muling magniningning ang entablado sa pagtitipun-tipon ng mga natatanging alagad ng telebisyon, sa Gabi ng Parangal ng 32nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards For Television, sa ika-14 ng Oktubre, 2018, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City.

Magsisilbing hosts sa gabing ito sina Jodi Sta. Maria, Julia Barretto, Yassi Pressman, at Robi Domingo. Tatanggapin naman nina Coco Martin at Yassi Pressman ang German Moreno Power Tandem of the Year.

Samantala, dahil umabot na sa 15 awards ang ASAP bilang Best Musical Variety Show, iluluklok ang programa sa Hall of Fame Award, at mapapahanay ito sa mga nauna nang Hall of Famer na Maalaala Mo Kaya (Best Drama Anthology), Bubble Gang (Best Gag Show), Eat Bulaga (Best Variety Show) at Boy Abunda (Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host).

Sa pamunuan ng kasalukuyang pangulong Joe Barrameda, mga opisyal at miyembro, ang 32nd PMPC Star Awards For TV ay mula sa produksyon ni Ms. Tess Celestino ng Airtime Marketing Philippines at sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa Oktubre 28, 2018, sa ABS-CBN Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi, Vice.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with