_pang-masa
^

Pang Movies

Angeline nilinaw na ang naging relasyon kay Erik

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Very touching ang birthday greetings ni Angeline Quinto para kay Erik Santos na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

 

Ayon sa singer, napakarami na nilang pi­nagdaanan ni Erik pero nanatili pa rin silang magkasama.

“Happy Happy Birthday sayo, TenTen. Mara­ming maraming salamat pogs sa lahat, ang dami na rin natin napagdaanan, may nakakatawa, nakakaiyak, nakakapikon, nakakahiya, lahat lahat na, pero hanggang ngayon magkasama parin tayo,” ang simula ng birthday message ni Angeline.

At kasunod nito, nagkaroon na ng kalinawan na hindi talaga sila nagkaroon ng relasyon ni Eric kung hindi talagang magkaibigan lang, magkabarkada at para ngang magkapatid pa.

“Hindi nga lang official na naging tayo, pero bilang magkaibigan, alam natin na mahal natin ang isa’t isa. Habang buhay yan Erik. Sa pamilya mo, na tinanggap din ako na parang kapamilya niyo, Thank you.

“Si Mama Bob na gustong gusto ka at mahal na mahal ka. Sana pogs mas marami pa tayong kantang magawa, mas maraming trabaho pa tayo na pagsamahan, mas maraming pangarap na pareho nating maabot pa. God bless you pogs. Maraming salamat sa pagmamahal mo sakin at kay Mama Bob. Happy Birthday,” ang karugtong pa ng mensahe ni Angeline.

Pero ang nakakatuwa, sa kabila nito ay may mga umaasa pa ring fans na magkatuluyan sila at sey nila, kahit friends lang daw sila ngayon, hindi pa naman daw huli para maging sila.

Matatandaang matagal ding na-link sina Angeline at Eric at akala nga ng lahat noon ay may relasyon sila.

Ejay tinalbugan ang mga bida sa Where Stars Land 

Base sa napanood naming mga clips ng ipinost ni Ejay Falcon na mga eksena nila ni Lauren Young sa Korean drama na Where Stars Land, talaga namang masasabi naming nakaka-proud ang dalawa nating Pinoy actors.

Kung pag-arte rin lang ang pag-uusapan, talaga namang napakahusay ng ipinakita nina Ejay at Lauren at walang halong exaggeration, natalbugan pa nila ang dalawang bidang Koreans na sina Lee Je Hoon at Chae Soo Bin.

At wala ring halong exaggeration, marami pang bigas na kakainin ang dalawang Korean stars para makapantay man lang sa acting nina Ejay at Lauren. In fairness sa mga artista natin, talagang ibinigay din naman nila ang kanilang best lalo na nga si Ejay.

Sa IG caption ng aktor ay nagpapasalamat siya sa napalaking oportunidad na ito and obvious na talaga namang proud na proud din siya.

“Never ko naisip na magiging parte ako ng isang Korean drama kasama ang sikat na Korean stars. Thank you sa lahat ng positive comments niyo at thank you sa mga tao na tumulong para mangyari to. Hindi ko makakalimutan ang experience na ito at masaya ako na kahit papaano ay nadala namin ni Lauren ang ating bansa sa international TV. Thank you Lord sa napakagandang opportunity na ito,” ang caption ni Ejay.

Maging ang manager ng aktor na si Perry Lansigan of PPL Entertainment ay proud na proud sa kanyang alaga at nag-post din ng pagbati.

“Proud ako bilang manager mo! Isa sa pinaka malaking achievement mo ito.... ang gumanap at ipakita ang galing ng Pinoy sa isang Korean Drama Show. Alam ko marami ka pang aakyating tagumpay. Wag kang magbabago at ipagpatuloy mo ang iyong pagmamahal sa trabaho at ang pagpapasalamat sa KANYA sa lahat ng biyaya!” ang mensahe ni Perry kay Ejay sa IG.

Ang dami ring pumuring netizens sa acting ni Ejay at deserved naman niya talaga ang lahat ng mga papuring ito.

Ang episode nina Ejay at Lauren ay katatapos lang ipalabas sa SBS Korea last Monday.

ANGELINE QUINTO ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with