^

Pang Movies

MMFF ‘di kumpleto ‘pag wala si Mother Lily

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
MMFF âdi kumpleto âpag wala si Mother Lily
Mother Lily Monteverde

Alam mo, Ateng Salve, masaya ako for Mother Lily Monteverde at nakapasok sa last four ng Magic Eight ng Metro Manila Film Festival 2018 ang movie niya na One Great Love na si Eric Quizon ang nagdirek.

Nang i-announce noong una ang first four official entries sa MMFF 2018 at hindi nakasama roon ang pelikula ng Regal Entertainment, alam ko na nag-react si Mother Lily, pati si Roselle Monteverde, dahil mismong ang mga taga-industry na rin ang nagsasabing nakakapanibago kapag walang official entry ang nasabing film outfit.

Pero nitong pilian na nga finished product para sa last four movies na kasali sa MMFF 2018, nakakatuwang napasama ang movie nina Dennis Trillo at Kim Chiu.

At least, may pelikula ang Regal sa MMFF 2018 at happy na si Mother Lily na talagang kahit more than 50 years na sa movie industry ay wala pa ring sawa sa pagpo-produce ng mga pelikula.

In fairness to Mother Lily, hindi siya nagsasawa sa ginagawa, kaya naman ang moviegoers ay wala ring sawa sa pagsuporta sa kanyang pelikula.

Richard bilib sa pagiging hands on ni Vice sa Fantastika

Malapit nang matapos ang shooting ng Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya ang Metro Manila Film Festival 2018 entry ng Star Cinema at Viva Films na pinangungunahan nina Vice Ganda, Richard Gutierrez, Bela Padilla at iba pa.

Mahaba ang shooting ng nasabing pelikula dahil gusto raw ni Vice na lalong mapaganda ‘yon.

Hindi si Vice ang direktor ng Fantastika, pero part siya ng creative team.

Ganoon naman talaga sa bawat pelikula niya, may say talaga si Vice kaya naman lalong nagiging katawa-tawa ang mga ‘yon.

Si Richard nga, sobrang bilib kay Vice dahil may naiisip itong bagay para mas maging katawa-tawa ang kanilang pelikula.

Sa sobrang enjoyement ni Richard na nakasama si Vice sa MMFF 2018 official entry, hindi ako magtataka kung hindi ito ang first and last movie nila together.

Feeling ko, sa mga kuwento pa lang ni Richard ay gusto niyang gumawa ng marami pang comedy movies with Vice.

Isko tuloy ang paglaban kay Erap?!

Sa isang Viber group na kasama ako, kasama rin pala roon ang former vice mayor ng Manila na si Isko Moreno.

May isang kasama rin doon na tinawag na “Mayor” si Isko at tinanong kung tuloy na ba siya sa pagkandidato sa pagka-mayor ng Manila?

Tatlong emoji ng nagdarasal na kamay ang isinagot ni Isko sa tanong na ‘yon.

May isang doktor naman na nagsabing si Isko ang mayor niya at “Ty doc” with maching smile emoji lang ang sagot ng actor/politician.

Tatapatan nga kaya talaga ni Isko si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na dating kaalyado niya sa nasabing lungsod?

Marami namang mga taga-showbiz ang nagsasabing suportado pa rin nila si Erap sa last term nito sa pagka-mayor next year.

Anyway, abangan na lang kung anong posisyon ba talaga ang tatakbuhan ni Isko.

Who knows, baka magpahinga muna si Isko sa politika.

LILY MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with