^

Pang Movies

Pelikula sa MMFF na makakatalo sa The Hows, inaabangan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula sa MMFF na makakatalo sa The Hows, inaabangan
KathNiel

May pelikula kaya sa 2018 MMFF (Metro Manila Film Festival) na kikita nang napakalaki kagaya ng pelikula ng KathNiel? Ganyan ang naging tanungan noong isang araw. Kasi nga usually ang highest grossing film ng taon ay lumalabas sa MMFF. Ngayon lang naman nangyari na ang isang pelikulang sinasabi nga nilang highest grossing film of all time ay nailabas sa karaniwang panahon.

Pero sinasabi nga nila, mukhang mas may pag-asa naman ang MMFF ngayon dahil hindi nga maikakaila na mas marami ang mga kumersiyal na pelikulang kasali, iyong tiyak na maganda at may malakas na box office potentials kaysa sa mga pelikulang “suntok sa buwan”. Mayroon pa rin naman na sa tingin pa lang ay mahuhulaan mong low budget, pero si­guro may dahilan naman kung bakit nila pinapasok ang ganung pelikula. Baka naman mas okay iyon kaysa sa iba pang isinumite sa screening committee ng festival. Tiyak namang kikita nang malaki ang festival pero magkakaroon nga ba ng isang sisira ng box office records?

Nakakatakot isipin na baka wala. Kasi kahit na ang mga economic planners ng gobyerno ay naniniwalang hindi pa darating ang kasagutan sa mataas na inflation rate hanggang sa panahon ng kapaskuhan. May nagsasabi pang tiyak aabot hanggang Enero ng susunod na taon. Tapos na ang festival noon.

Wala pang remarkable na pagbaba ng presyo lalo na ang pagkain, at alam naman natin na isa iyan sa pinaka-malaking factor. Tumaas na rin, at tataas pa ang transportasyon, kahit na umiiyak na ang bayan sa mataas na pres­yo ng pamasahe. At iyan ay bagay na makakaapekto sa panonood ng sine. Mahal na nga ang bayad sa sine, mas nagmahal pa ang pamasahe para makapunta sa sinehan.

Siguro ang kailangan nga ng film entries ay ma­tinding promotions ng kanilang pelikula para makumbinsi nila ang mga tao na manood. Kung hindi, ewan na lang.

P. Duterte at tatay ni Sharon, mag-BFF noon

Nagkakatawanan noong isang gabi, habang pinanonood nila ang isang social media video ni Presidente Rodrigo Duterte habang ipinapaliwanag niya kung bakit hindi siya nakapunta sa concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum kahit na gusto niya. Nagkaroon daw kasi ng problema sa Mindanao, at bilang pangulo ng bansa ay kailangan niyang unahin iyon.

Tinawag din niya si Sharon na “the singer of my life”. Ang pangulo naman kasi ay matalik na kaibigan ng tatay ni Sharon na isang mayor din noon.

Nagkatawanan lang sila nang mapansin nila na ang pangulo ay naka-suot ng t-shirt na ang nakalagay ay “superstar”, na alam naman nating siyang tawag kay Nora Aunor. Mayroon pa ngang nagbiro, “hindi lang makita pero baka sa ilalim ng superstar ay may nakasulat ding for all seasons”.

Hindi naman siguro particular ang presidente sa mga bagay na iyon.

Ilang celebrities walang arteng pumila sa relic ni Pader Pio

May ilang celebrities na nakita naming nakikipila sa rami ng mga tao para makita at mahawakan ang “hindi nabulok na puso ni Santo Padre Pio”.

Ang maganda lang, hindi sila feeling stars. Kung nasaan ang dulo ng pila, doon din sila nagsimula at matiyagang naghintay hanggang sa makapasok sa UST at ganoon din naman sa Manila Cathedral.

Nakakatuwa ang ganoon.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with