^

Pang Movies

Los Bastardos pinaghirapan ang mga katawan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Los Bastardos pinaghirapan ang mga katawan

Sa bagong seryeng Los Bastardos ng ABS-CBN ay limang aktor ang magpapatalbugan sa pagpapakita ng kani-kanilang mga katawan na tiyak na aabangan ng mga fans at manonood. Sila ay sina Jake Cuenca, Albie Casino, Diego Loyzaga, Marco Gumabao and Joshua Colet.

Ayon sa limang aktor, pinaghirapan nila talagang ma-achieve ang magandang katawan nila ngayon just for this series. Of course, si Jake ay sanay na naman sa mga ganitong proyekto since noon pa ay wala rin siyang qualms sa paghububad, pero ang apat na aktor, ngayon lang sila makikita sa ganito ka-sexy na teleserye.

At hindi naman naging problema sa apat ang magpakita ng katawan and in fact, proud pa sila.

Sey ni Diego, talaga raw may gusto siyang patunayan sa mga tao kaya niya tinanggap ang serye. Gusto niyang ipakita na sexy na siya ngayon. Aniya, he has  learned his lessons nang ma-bash siya sa Bench fashion show dahil sa kanyang katawan kaya naman talagang nag-work-out siya nang husto at nagpaganda ng katawan.

“I made myself better. I wanted to become fit for this role, so sobrang excited ako na ipakita ‘yung pinaghirapan ko. I dieted, I worked out, I really worked hard for this, so I wanna show them,” sey ni Diego.

When asked kung sino ang may pinakamagandang katawan sa kanilang lima, sagot agad ni Diego, “ako!” Sigawan ang mga co-stars niya at kantyawang umaatikabo.

Nang tanungin kung ano ang feeling nila na mga katawan nila ang ibinebenta sa serye, ayon sa limang aktor ay okay na okay naman daw sa kanila ‘yun.

“Ako, pinanganak ako para gawin itong show na ito,” sambit ni Jake. Tawanan.

Ayon naman kay Marco, ang face of the show daw ay ang limang bastardo na lahat ay magaganda ang katawan.

“So, kami, kung ‘yun ang kailangan para sa show, then, we’re really privileged to be part of it, actually, sobrang malaking karangalan nga na kami ang napili and naa-appreciate ‘yung mga katawan namin for the show and kung ‘yun ang kailangan sa show, okay lang,” sabi ni Marco.

Pahayag naman ni Joshua, “wala naman talaga akong pakialam kung i-objectify ako, ha, I can’t speak for them. Kasi, kumikita ako, eh. Di ba? Ako, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Nage-enjoy ako sa ginagawa ko, ‘yun lang ang importante sa akin.”

Dagdag pa ni Marco, “siyempre, we work hard for our body, we diet, we go to the gym everyday, so para saan pa ‘yun kung hindi naming ipapakita?”

Magsisimula na sa October 15 ang Los Bastardos pagkatapos ng Kadenang Ginto at kasama rin dito sina Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oneiza, Maxine Medina, Ritz Azul, Kylie Versoza at marami pang iba.

Jake kinabahan nang panoorin ni Erich

Sa nasabing presscon pa rin ay natanong naman namin si Jake kung may development na ba sa kanila ni Erich Gonzales at kung nanliligaw na ba siya rito. Matatandaang kasing umamin ang aktor recently na crush niya ang leading lady sa katatapos lamang na serye nilang The Blood Sisters.

“Wala, sobrang busy, I have two movies, a te­leserye and a play. Pero she’s gonna watch the play (Lungs). Du’n naman ako natuwa, manonood siya ng play ko. For that naman, medyo nata-touch ako at nadadagdagan nang konti ang nerbyos ko.

“Pero sa ngayon talaga, I have no time (for love life), I am not complaining, I’m so blessed. Even if I wanted to have a girlfriend, walang time,” saad pa ni Jake.

Kung kelan siya magkakaroon ng oras para sa kanyang love life, ‘yan ang hindi masagot ng aktor sa ngayon.

vuukle comment

LOS BASTARDOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with