^

Pang Movies

Iza handa na sa kasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iza handa na sa kasal!
Iza Calzado


Sa December na ang kasal nina Iza Calzado at Ben Wintle pero ang sabi, mas mauuna ang kasal nina Lotlot de Leon at Christian Bautista sa kani-kanilang partner kaya malamang, bago magtapos ang December ang kasal ni Iza. Ayaw kasi sabihin ng aktres ang petsa ng kasal nila.

Dito lang sa bansa gaganapin ang kasal ni Iza at hindi siya pwedeng umalis dahil may soap siyang ginagawa sa GMA 7.

May isa pang magandang balita kay Iza na may kinaalaman ang kanyang career pero hindi pa pwedeng isulat. Ang sabi lang, malaking proyekto ito at isa pa sa aabangan ng kanyang fans.

Balitang Iza pa rin, magko-compete sa Tokyo International Film Festival Asian Future Section this October ang Cinemalaya entry niyang Distance sa direction ni Perci Intalan. Hintayin natin ang awards night kung mananalo ang nasabing pelikula na isa sa nagustuhan naming entry sa 2018 Cinemalaya.

May pagbabagong magaganap deliberation sa final four, nagkaroon ng tensyon

Laging may kabuntot na controversy ang announcement ng entries sa Metro Manila Film Festival at nangyari na naman ito this year. Kaya pala natagalan ang announcement ng final four dahil matindi ang deliberation at may sigawan pa raw na nangyari at tsikang walkout.

Pero, wala pang magsasalita sa ngayon, sa tunay na nangyari at ang sabi lang, pinagdebatehan ang last slot between two movies. Nakarating din sa kaalaman namin na may meeting ang screening committee kahapon, ano kaya ang naging resulta ng meeting, mababago ba ang line up?

Jasmine nahawakan na ang trophy sa Luna

Nasa kamay na ni Jasmine Curtis-Smith na ang trophy niya sa napanalunang Best Supporting Actress sa 36th FAP Awards para sa pelikulang Siargao. Kinunan ni Jasmine ng picture ang trophy, pinost sa Instagram (IG).

Nag-comment si direk Paul Soriano, director ng Siargao ng, “Well deserved @jascurtissmith congrats and hope to work with you again soon!!!”

Kapamilya at Kapuso actors ang nag-congratulate kay Jasmine at nag-like sa kanyang post, kabilang ang mga kasama sa Pamilya Roces na sina Ana Roces at Gabbi Garcia. Magkalaban sila ni Gabbi sa dramedy, but in real life, friends sila.

Carmina at kambal handa nang mag-take over sa show ni Regine

May teaser na ang morning show na Sarap ‘Di Ba? na papalit sa Sarap Diva ni Regine Velasquez, pero hindi pa sinasabi kung kailan ang airing nito. Ang sinasabi lang sa plugging ay sa Saturday slot pa rin ang show hosted by Carmina Villarroel at ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Ready na sina Mavy at Cassy na sumabak sa showbiz, pero sabi ni Zoren, light project muna dahil hindi pa handa ang mga anak sa drama.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with