_pang-masa
^

Pang Movies

Erik iniisa-isa ang nasa bucketlist

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Erik iniisa-isa ang nasa bucketlist
Erik Santos

Isa talaga sa bucketlist ni Erik Santos ang maka-duet ang mga dekalibreng singers ng bansa. Pagkatapos nitong maka-duet si Regine Velazquez sa kantang Pagbigyang Muli, ngayon ay si Sarah Geronimo naman ang kanyang makakasama sa kantang Kulang Ako Kung Wala Ka.

Dati kasi ay may version na si Erik nito pero si Kyla naman ang kanyang ka-duet.

Ngayon ay uulitin na naman niya ang kanyang kanta pero hindi pa rin ito pinagsasawaan ng fans niya, lalo pa nga at kasama niya ritong kakanta ang Pop Princess na si Sarah.

Ngayong Friday na iri-release ang nasabing duet ng dalawa at maririnig na ito sa mga digital store sa bansa.

Tiyak na marami na naman ang makaka-relate dahil throwback na naman ang pakiramdam ng mga nakikinig.

ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with