^

Pang Movies

Rayver nagmukhang bida nang mapunta sa GMA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Rayver nagmukhang bida nang mapunta sa GMA
Rayver Cruz

Nang pumasok si Rayver Cruz sa media launch ng kanyang bagong serye, ang Asawa ko Karibal Ko, na naka-formal attire pa, parang ang laki ng pagbabagong nangyari sa kanya. Nasanay kasi siguro tayo na nakikita natin si Rayver na naka-t shirt lang, minsan ay naka-shorts pa. Pero ang pasok niyang pormal na pormal, mapapatingin ka eh, at sasabihin mo siya talaga ang pang leading man ang dating. Siya talaga iyong hindi mo na ipagtatanong pa, mukha siyang bida.

Noong mag-mature na ang hitsura ni Rayver, lumabas ang talagang personality niya at tipong matinee idol talaga. Eh bakit naman hindi, maikakaila ba ninyong dalawang he­nerasyon ng mga sikat na matinee idols ay parehong tiyuhin ni Rayver? Noong late sixties at early seventies, ang isa sa pinaka sikat na leading man ay si Ricky Belmonte. Pagkatapos noong henerasyong iyon pumasok naman si Tirso Cruz III. Iyon nga lang, sinasabi nila na pagkatapos ni Ricky at Pip, mukhang walang sumunod na Cruz. Ngayon sinasabi nila, baka nga si Rayver na iyon.

Noong una, pakanta-kanta at pasayaw-sayaw lang si Rayver, pero kung napanood ninyo ang kanyang huling ginawang pelikula, maikli lang ang kanyang role at hindi iyon naging masuwerte sa takilya kahit na maganda, pero nagbigay ng mahusay na performance si Rayver sa kanyang maikling role. Hindi rin naman natin maikakaila na doon sa huli niyang serye, nagpakita siya nang kahusayan sa acting at maging sa mga action scenes. Doon nga napansin na mukhang puwede na siya sa matured roles.

May nagsasabi pa nga ngayon na mukhang magandang timing ang lipat niya ng network, dahil sa pinanggalingan niya, may leading man na mahirap nang tibagin. Dito naman sa nilipatan niya mukhang may vacuum at kailangan talaga ang isang leading man na kagaya niya.

“Pero nagulat din po ako nang bigla na lang akong nabigyan ng ganitong klase ng assignment. Hindi naman po kasi ako namimili ng role talaga. At this point in my career, marami pa akong kayang patunayan at hindi pa ako dapat mamili ng roles. Pero talagang ang tingin ko nga sobrang blessings ang dumating dahil nang mabasa ko ang script namin, iba talaga ang dating ng material at napakabigat na role ang kailangan kong gawin. Tapos ako pa ang bida. Ang tingin ko po talagang blessing ito,” sabi ni Rayver.

Alam ba niyang sinasabing siya ang dahilan ngayon ng insecurity ng iba pang mga aktor na hindi umangat bilang bida?

“Hindi ko po iniisip iyon. Lahat kasi kami may iba-ibang talents, at saka hindi puwedeng ma-monopolize ng isang actor ang ganitong trabaho dahil napakarami pong shows sa GMA, at hindi naman kaya ng isa o dalawang artista lang na gawin iyon. Ang paniwala ko po lahat naman ay mabibigyan ng fair chance, at saka ang assignments depende naman po kung kanino babagay ang role,” sagot pa niya.

Doon sa serye, pag-aagawan siya ng isang babae at isang transgender na dating asawa ng babae. Alam na ba niya kung sino ang mananalo in the end?

“Hindi pa po kami nakakarating doon, at wala pang script ang ending ng kuwento namin. Binigyan lang nila ako ng idea na malalaman ko na ang isa pala sa kanila ay dating lalaki at dati silang mag-asawa. Pero wala pa po silang sinasabi kung sino ang lalabas na sasamahan ko in the end. Ganoon naman po kasi ang serye eh, iyong pagtatapos depende sa reception ng tao. Pero I hope suportahan kami dahil naiiba naman ang concept ng seryeng ginagawa namin,”patapos na pahayag ni Rayver.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with