^

Pang Movies

Sharon hindi mapigilan ang pagpo-post sa pictures nila ni Goma

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon hindi mapigilan ang pagpo-post sa pictures nila ni Goma
Sharon Cuneta at Richard Gomez

Hindi napipigilan kahit ni director Cathy Garcia-Molina si Sharon Cuneta na mag-post ng pictures nila ni Richard Gomez dahil panay pa rin ang post ni Mega ng litrato nila ni Richard. Ang maganda lang, hindi BTS ng shooting ng movie nilang Three Words to Forever ang pino-post ni Sharon, naka-pose sila ni Richard sa mga naglalabasan nilang pictures.

Sabagay, may advantage ang ginagawa ni Sharon dahil early promo ito at ‘yung hindi pa nakakaalam na gumagawa na sila ng pelikula ni Richard, nalalaman dahil sa pagpo-post niya.

Ang rason ni Sharon, “Need to bond more though. Fifteen years apart is a long time. But still just really happy to be working together again.”

Pati pala video ng old movies nila ni Richard at old pictorial, pino-post ni Sharon, kaya kinikilig ang kanilang fans. Looking forward na sila sa showing ng Star Cinema movie sa November.

Aga ipinagtanggol si Direk Paul sa mga nanghuhusga

Pagkatapos ng presscon ng First Love, madadagdagan ang pasasalamat ni director Paul Soriano kay Aga Muhlach dahil bukod sa ipinagtanggol nito si direk Paul sa mga umaapi at hindi naniniwala sa kanya, bilib pa si Aga sa pagiging director ng husband ni Toni Gonzaga.

Nabanggit ni Aga ang Siargao na sa simula pa lang ng 2017 MMFF (Metro Manila Film Festival) ay sinabing magna-number nine sa entries, pero nag-number three naman sa box-office, kaya si Aga ang tuwang-tuwa at vindicated daw ang kanilang director.

“Sana, you will also watch First Love. This is a Paul Soriano film at hindi ito mangyayari sa amin ni Bea (Alonzo) without direk Paul. We were able to deliver because of direk Paul.”

Tahimik lang na nakikinig si direk Paul sa pagtatanggol sa kanya ni Aga at nang magsalita, ang sabi, “you can get 100 people to doubt you but, it will only take one Aga Muhlach to erase other people’s doubt,” wika ni direk Paul.

Showing sa October 17, ang First Love ng Star Cinema at umaasa si direk Paul, Bea at Aga na hindi ito ang first and last time na gagawa sila ng pelikula na magkakasama.

Jason ginagaya si Vickie sa pagkilos at pananalita

Umamin si Jason Abalos na nag-iipit siya ng ari kapag ang eksena niya sa Asawa Ko, Karibal Ko ay nakadamit pambabae. Kailangan niyang gawin ‘yun dahil may bubukol ‘pag hindi siya nag-ipit.

Sanay  makarinig ang mga reporter ng “ipitan” kaya walang tumawa at ang inalam na lang ay kung hindi ba nahirapan si Jason. Sagot nito, may konting hirap, pero worth it dahil maganda ang role niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na simula na ang airing sa October 22, after Eat Bulaga.

In fact, ang ganda ng role at ganda ng story ng soap ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Jason ang project kahit hanggang week two lang ang labas niya. First time nitong gumanap sa role ng transgender at mag-aayos babae pa.

Sabi rin ni Jason, ang GF na si Vickie Rushton ang peg niya ‘pag ayos babae siya. Ginagaya niya kung paano kumilos at magsalita ang nobya.

Andrea Kapuso pa rin

Mananatiling Kapuso si Andrea Torres dahil nag-renew ito ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center at pati na rin siguro sa GMA Network. Kahapon, pumirma si Andrea ng hindi pa natin alam kung ilang taon na bagong kontrata.

Sabagay, walang rason para umalis sa Kapuso Network si Andrea dahil alaga siya ng network at laging may show. Kapag hindi soap, madalas siyang mag-guest sa different shows ng network.

Sa ngayon nga, regular na napapanood si Andrea sa Victor Magtanggol at gumaganap bilang si Sif. Hindi lang ang kaseksihan ni Andrea ang napapanood, pati ang husay umarte at husay sa action.

Ang suwerte ni Andrea dahil kumpara kay Janine Gutierrez, hindi siya naba-bash. Kahit may kissing scene sila ni Alden Richards, hindi siya naba-bash, kaya masayang nabanggit na lucky siya dahil walang umaaway na fans.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with