Paul Soriano
Paul ayaw pang i-produce si Toni?!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 10, 2018 - 12:00am

Hindi nakadalo ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kauna-unang ABS-CBN Ball last September 29 na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La na dinaluhan ng mga stars and talents ng ABS-CBN at Star Magic dahil nasa Los Angeles, California ang mag-asawa kasama ang kanilang two-year-old son na si Seve na nag-celebrate ng kanyang 2nd birthday sa L.A. kung saan isinilang si Paul.

Ang ama ni Paul ay ang director-turned pastor na si Jeric Soriano at isa sa mga anak ng namayapang dating matinee idol na si Nestor de Villa na naging perennial screen partner ng yumao na ring aktres na si Nida Blanca. Lolo bale ni Paul si Nestor de Villa.

Kung kilala si Paul bilang isang mahusay na director at film producer, bakit kaya niya hindi i-produce at idirek ang misis niyang si Toni na isang certified box office star?

Glaiza malabong pakawalan ng GMA

Masaya kami para sa Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro dahil ang kanyang latest Ci­nemalaya movie na Liway na dinirek ni Kip Oebanda base sa tunay niyang karanasan na highest grossing film sa kasaysayan ng Cinemalaya Indepen­dent Film Festival na nagsimula in 2005.

This Angel Locsin-look-alike singer actress has a long long way to go pagdating sa kanyang acting career kaya naman inaalagaan din siya ng Kapuso Network. Katunayan, katatapos pa lamang niyang gawin ang Contessa na nagtapos last September 8, 2018. At malamang na inihahanda na ang kanyang susunod na TV project sa GMA.

Roi hindi nababakante sa serye

Masuwerte ang veteran actor na si Roi Vinzon dahil hindi ito nawawalan ng TV project sa Kapuso Network magmula nang kanyang gawin ang hit primetime TV na My Husband’s Lover in 2013 na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Tom Rodriquez at Carla Abellana.

Si Roi ang sentro ng conflict ng tatlong pamilya ng bagong simulang TV series Pamilya Roces na nagsimula last Monday, kaya lumalabas na siya ang lead star ng serye.

Natutuwa naman si Roi dahil sa sunud-sunod na blessing sa kanya at sa kanyang teen-age daughter na si Isabella Vinzon na nasa bakuran naman ng Kapamilya Network.

Kung may tatlong pamilya si Roi sa Pamilya Roces, ganundin ang kanyang pinagdaanan noon pero ang kaibahan lamang ay hindi niya ito pinagsabay-sabay.

Samantala, this year alone ay nagkaroon siya ng tatlong TV series. Nauna na rito ang Sherlock Jr. na sinundan ng Contessa habang kasisimula pa lamang ng Pamilya Roces.

PAUL SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with