^

Pang Movies

Klaudia mabigat ang dibdib pagbalik sa Amerika

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Klaudia mabigat ang dibdib pagbalik sa Amerika
Klaudia Koronel

Naging emotional ang pamamaalam ng former sexy actress na si Klaudia Koronel sa kanyang Facebook dahil sa pagbalik niya ng Amerika.

Na-miss nga ni Klaudia ang showbiz pero kailangan niyang bumalik ng US para asikasuhin ang kanyang citizenship, pati na ang mina-manage niyang Home Care business sa California.

Umuwi si Klaudia rito para bisitahin ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak. Kasama na roon ang pagbenta ng ilang properties niya dahil kasama raw iyon sa naging divorce agreement nila ng kanyang ex-husband na si Andy Zhang.

Naging saksi kami sa bonggang wedding ni Klaudia kay Andy, pati na ang magandang reception nila kung saan ang wedding cake nila ay hugis ng Eiffel Tower in Paris kung saan nag-propose sa kanya si Andy.

Ngayon ay magandang alaala na lang iyon para kay Klaudia dahil gusto na niyang mag-move on.

Heto ang emotional na pamamaalam ni Klaudia...

“Goodbye Philippines... Maraming salamat sa lahat ng friends ko. Lalo na sa showbiz na panandalian nakasama ko kayo at napasaya nyo ako.

“Thank you so lahat ng kapatid ko na sinasamahan ako kahit saan, bonding. Mama ko, Salamat sa Walang kapagurang pag-aasikaso sa amin kahit ang tatanda na namin.

“Sa unconditional love mo Anak ko. Pinapauwi mo ako anak yesterday. Pero sorry anak. Paalis na ulit si mommy. Ayoko magpahatid sa iyo anak ko. Kasi Ayokong makita kang nalulungkot o Iiyak. Ayoko na maulit ang tagpo nong ika’y 4 years old pa lang, na halos di ka mapigilan dahil hinhabol mo ako, bumubulahaw sa iyak at sumisigaw na.... mommy! Wag mo akong iwan!!!

“Mas mabigat sa dibdib.

“See you Saturday graduation mo next year anak... I love you very much. Inspiration kita Kaya ako paulit lumalaban sa hamon ng buhay.”

Nadine maselan ang ikalawang pagbubuntis

Pinagdarasal ng former Kapuso actress na si Nadine Samonte na maging maayos ang pagbubuntis niya sa ikalawang baby nila ng mister niyang si Ri­chard Chua.

Kung matatandaan ay naging maselan ang unang pagbubuntis ni Nadine sa unang baby nito na si Heather Sloane.

Nagkaroon ng sakit na Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) at Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) si Nadine noong kasalukuyang buntis siya sa unang baby.

Ang APAS at PCOS ay puwedeng maging dahilan ng pag-miscarriage sa baby.

Pero nagpapalasamat si Nadine na maayos niyang naitawid ang siyam na buwang pagbubuntis niya kay Heather.

Sikat na football player nanganganib mawala sa Nike dahil sa panghahalay

Nag-aalala ang malaking produkto na ini-endorse ng Portuguese football star na si Cristiano Ronaldo na Nike dahil sa kinakaharap na rape case nito.

Sinampahan ng kasong rape ang star athlete ni Kathryn Mayorga at naganap ang panghahalay noong 2009 sa isang Las Vegas hotel.

May kontrata na nagkakahalaga ng $1 billion si Ronaldo sa naturang kumpanya at minu-monitor nila ng mabuti ang mga nangyayari rito.

May possibility kasi na puwedeng bitiwan ng Nike si Ronaldo dahil sa kaso nito.

Pati ang EA Sports kung saan may milyones na kontrata si Ronaldo ay concern din sa puwedeng mangyari.

Unang nilabas ng German magazine na Der Spiegel ang balita sa panggagahasa diuamano ni Ronaldo kay Mayorga.

Nagkaroon pa raw ng out-of-court settlement with Ronaldo at binayaran si Mayorga ng $375,000 para manahimik ito.

Ayon naman kay Mayorga, isang 34-year old former teacher ay nagsalita ito sa ginawa sa kanya ni Ronaldo dahil na-inspire siya ng #MeToo movement.

vuukle comment

KLAUDIA KORONEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with