^

Pang Movies

Gretchen parang may binuksang pandora sa demanda sa mga ‘tibo’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano ba ang nangyayaring iyan. Nagsampa ng demanda ang TV reporter na si Gret­chen Fullido laban sa kanyang dating producer sa TV Patrol, at isa pa dahil diumano sa sexual harassment. Iyong idenemanda niya ng sexual harassment ay parehong babae rin. Ibig bang sabihin noon ay lesbian ang dalawang idenemanda niya? Kung hindi, bakit hinihingan siya diumano ng sexual favors?

 

May isang insider na nagsabi naman sa amin na nag-resign na sa ABS-CBN ang sinasabing executive dahil diumano sa naging findings sa unang imbestigasyong isinagawa ng kumpanya sa kasong iyon ni Fullido. Kung nangyari iyan kay Gretchen Fullido, hindi kaya nangyari rin iyan sa iba pa?

Hindi kaya masasabing may nangyayaring ganyan ding iba pang sitwasyon, bukod sa kanilang news department? Hindi kaya masundan iyan ng iba pang reklamo laban naman sa mga bakla? Parang may nabuksang kahon ni Pandora ang kasong iyan.

Script ng Darna, nagka-problema

Bagama’t lumalabas na isang mutual decision ang pagbibitiw ni Erik Matti bilang director ng Darna, hindi maikakailang may kaunting anghang pa rin ang kanyang naging personal statement. Hindi mo naman siya masisisi, dahil ang tagal niyang naghintay at gumawa ng mga concept bukod pa nga sa katotohanang may mga bahagi na ng pelikula na kanyang nagawa, pero hindi sila nagkasundo dahil sa ilang “creative problems”.

Hindi nila sinabi kung ano ang naging problema, pero kung paniniwalaan namin ang ilang insiders, ang sinasabi nila ay mukhang may kinalaman iyon sa script ng pelikula. Ano pa nga bang bahagi ng script ang hindi nila napag-usapan eh halos limang taon na ang pre-production niyan, simula pa noong panahon ni Angel Locsin hanggang sa nabago na nga nang nabago pati ang costume ni Darna at nakuha na nila si Liza Soberano. Pero ganoon nga, nagkaroon pa rin sila ng “creative differences”, na siyang dahilan kung bakit umabot sila sa desisyong wala silang maaaring maging compromise at dapat na ngang mahiwalay sila.

Napansin pa namin ang kaunti pang anghang, nang aminin ni director na malaking bagay sa kanya ang proyektong Darna, dahil ang una niyang trabaho sa showbusiness ay bilang continuity director ng isang pelikulang Darna rin. Ngayong siya na sana ang talagang director ng Darna, ok nga naman.

Kahit na may iba pang pelikulang ginagawa o ipino-promote si Erik Matti, hindi puwedeng hindi niya mababanggit ang Darna. Halata mong naroroon ang excitement niya. Pero para ngang bombang basta na lang sumabog na hindi na siya ang director ng Darna.

Papaano na ang ideya ni Matti na naipasok sa pelikula? Kung sabagay, tiyak naman babayaran siya sa kanyang naging trabaho. Maaaring bigyan pa rin siya ng kredito sa pelikula. Pero kung kami iyon, tatanggihan na namin ang kredito sa pelikula. Tutal hindi naman siya ang magtatapos, at maliwanag na iibahin na ang kanyang concept.

Aktor na kahihiwalay lang sa asawa, pinaglalawayan ng madatung na bakla

Isang milyonaryong bading, at masasabi naming talagang mayaman dahil ang tatay niya ay kasama sa listahan ng pinakamayayaman sa isang foreign published magazine, ay mukhang tuwang-tuwa sa nabalitang pormal nang nakipag-hiwalay ang isang actor sa kanyang asawa.

Ang sinasabi raw kasi ng bading, “mayroon kaming unfinished business”. Mukhang noong araw pa may interest ang milyonaryong bading sa actor simula raw noong makita nito ang sexy pic ng aktor sa isang magazine, na lumabas lang minsan.

vuukle comment

GRET­CHEN FULLIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with