^

Pang Movies

Para maayos ang pamilya Billy gusto munang tutukan si Coleen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Para maayos ang pamilya Billy gusto munang tutukan si Coleen
Billy at Coleen

Nagsalita na si Billy Crawford tungkol sa dahilan ng pag-alis niya sa It’s Showtime. Paliwanag ng singer/TV host sa Magandang Buhay guesting niya kasama ang asawang si Coleen Garcia, nagpaalam naman daw siya sa management na mag-take muna ng leave talaga.

 

“Well right before the wedding kasi medyo naging sobrang busy talaga. And ‘yun nga one of the reasons na nag-leave muna ako sa Showtime, which sa awa ng Diyos at thank you sa management dito na pinayagan naman ako to be on a leave. Para I can concentrate with Coleen, my marriage, the wedding planning,” simulang paliwanag ni Billy.

 

Pero after the wedding ay nagpagawa naman daw sila ng bahay.

“So instead naman na magpaasa pa ako na “oo, babalik ako, babalik ako, babalik ako,” I just took time off na lang.

“And it gave me time to focus and concentrate on myself, my marriage, also, my passion din – ‘yung music ko.”

Kaya naman daw natapos na rin niya finally ang album niya na 9 years na niyang ginagawa.

“It’s part of my life, my music. So, it’s part of my passion and hindi ko puwedeng madaliin, hindi ko puwedeng basta-basta gawin lang din. And ‘yung inspirasyon din coming from Coleen and there, lahat, it’s all part of the plan,” aniya.

When asked kung babalik pa ba siya sa It’s Showtime, ani Billy ay sure naman siyang yes.

“I’m sure, yes. Pero I’m not sure now kung ano lang ang plano, kung kailan or what not. Kasi hindi ko rin alam, kasi I really do wanna start a family as well, di ba?

“So ang hirap. I wanna be there. I wanna be a husband to my wife, I wanna be a father to my kids.”

Dagdag naman ni Coleen, ang gusto raw mangyari ng mister ay mag-slow down muna at mag-focus muna sa family.

“May mga tao kasi na kaya. Passion talaga nila to grind everyday. Pero ito kasi si Billy, at this point in his life at 36 years old, he wants to slow down and he wants to focus on family.

“Buong buhay niya he didn’t get to focus on family. Ako, hiwalay ‘yung parents ko. So pareho kami na ‘yung gusto sa buhay, ‘yun talaga ‘yung priority namin is to have a good family life. ‘Yun ang pangarap namin,” sey ni Coleen.

Andre wala pa ring love life

Gulat na gulat si Andre Paras nang itanong sa kanya sa presscon ng Pamilya Roces kung nagpaalam ba sa kanya ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na lilipat na ito ng network.

Katatapos lamang nina Andre at Regine ng The Clash sa GMA-7 kaya naman understandable na tanungin siya kung may alam ba siya sa paglipat ni Regine.

Pero sa malas ay walang kaalam-alam si Andre dahil gulat na gulat nga siya at biro nga sa kanya tuloy, baka uma-acting lang siya at nagkukunwaring walang alam.

“Umalis ba si Miss Regine?” ang nagtatakang balik-tanong ni Andre sa press.

“Hindi ko po alam,” sambit pa niya na sa hitsura ng mukha ay mukha ngang gulat na gulat.

“Hindi naman nagpaalam,” dagdag pa niya.

“Hindi, pramis.”

Wala siyang naririnig talaga na isyung lilipat na si Regine?

“Wala talaga, pramis. Never siyang nagpaalam. Okay kami, eh. I mean, may Viber group kami, ‘yung last message niya was kinongratulate niya kaming lahat, mga staff, tapos kumain pa kami sa isang restaurant, we treated the Clashers, wala, walang goodbye,” paliwanag pa ni Andre.

Anyway, natanong din ang aktor sa kanyang love life at aniya ay wala raw dahil nga maraming work kaya focus daw muna siya sa trabaho.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with