^
Andre at Kobe pinagtatawanan na lang ang awayan nila
Andre Paras at Kobe Paras

Andre at Kobe pinagtatawanan na lang ang awayan nila

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 5, 2018 - 12:00am

Ipinagtataka ni Andre Paras kung bakit lagi na lang may tsismis na magkaaway sila ng nakababatang kapatid na si Kobe Paras. Hindi nga raw niya maintindihan kung bakit kailangang gumawa ng ganung issue although aniya, pinagtatawanan na lang daw nila ito.

“Never naman kaming nag-away ni Kobe, I mean, siguro nung bata kami, normal ‘yun sa mga bata, pero to the point na hanggang ngayon? Wala namang ganun, eh,” sabi ni Andre nang makausap namin sa presscon ng Pamilya Roces ang bagong serye ng GMA-7 wherein he’s part of the cast.

Para kay Andre, si Kobe ang kanyang best friend mula bata pa sila hanggang ngayon.

“Never kaming nag-away, never kaming nagkaroon ng tampuhan, kung magtampuhan man kami, mga isang oras lang,” he said.

Bakit may tsismis na nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Instagram?

“’Yun nga, eh. Ewan ko, I mean, I understand ganu’n kasi, I guess, accident, na-unfollow ko, pero meron kaming mga private accounts, I mean, uso na ngayon, eh, private accounts, so do’n kami naga-update sa social media, personal life.

“Pero nag-follow-han na kami sa public para lang mahinto na ang issue.

“Pero okay naman kami, hindi kami magkaaway, magka-text kami ngayon, baka magkita kami mamaya.”

Hindi naapektuhan at all ang kanilang relasyon dahil sa controversy sa kanilang ina na si Jackie Forster?

“Never, wala naman. Ayoko lang ma-mislead ang mga tao na magkaaway kami pero okay na okay kami eversince na nagsimula ‘yung issue,” sey pa ni Andre.

Samantala, thankful ang young actor sa GMA-7 dahil hindi siya nababakante. Katatapos lang niya ng The Clash at ngayon ay may bago naman siyang teleserye.

“Sobrang thankful kasi gagawin ko po naman ang lahat ng ipagawa sa akin,” sambit niya.

Ginagampanan niya sa Pamilya Roces ang role na adopted son ng karakter ni Snooky Serna at magiging love interest niya si Jasmine Curtis-Smith.

Magsisimula na ang Pamilya Roces sa Lunes, October 8 sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Onanay. Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, kasama rin sa cast sina Carla Abella, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Sophie Albert, Ana Roces, Shaira Diaz, Elizabeth Oropesa, Gloria Diaz, Roi Vinzon, Mika dela Cruz, Christian Bautista at Manolo Pedrosa.

Alden sasabak na rin sa pagluluto

Masayang-masaya si Alden Richards sa magagandang feedback na natatanggap niya sa pagganap niya bilang superhero sa Victor Magtanggol pati na rin sa resulta nito sa ratings.

“The show is fighting, okay naman po ang standing at ‘yung network naman po, very happy sa performance kasi kahit paano po, the slot became better when Victor Magtanggol came,” sey ni Alden nang makatsikahan namin sa taping ng kanyang webisodes for Cookies Peanut Butter ng mag-asawang Cookie at Joy Yatco.

Happy din daw siya sa effect ng VM sa mga viewers lalo na nga sa mga bata na ang tawag sa kanya ay Hammerman.

“Pag bata, Hammerman (ang tawag sa kanya), pag matatanda, Victor,” aniya.

Bukod dito, nasisiyahan din daw siya na makapagbigay ng inspiration sa viewers.

“Parang ‘yun naman po ang purpose ng shows ng mga ginagawa natin – to give inspiration and to parang set an example especially sa mga bata, since after news siya, marami pong batang gising. So, ‘yun po ang nakikita naming naidudulot ng Victor Magtanggol ngayon.”

Hindi pa raw niya alam kung hanggang kailan pa tatakbo ang VM basta sa ngayon daw ay tuluy-tuloy ang taping nila at marami pang dapat abangan.

Samantala, ang isa pang dapat abangan kay Alden ay ang ilalabas na webisodes ng Cookies Peanut Butter kung saan ay makikita ang aktor na nagluluto ng iba’t ibang recipe.

ANDRE PARAS KOBE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with