^

Pang Movies

Hindi na naiisip ma-inlove ulit, Albert nagluluksa pa rin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Hindi na naiisip ma-inlove ulit, Albert nagluluksa pa rin!
Albert Martinez

Matapos yumao ang asawang si Liezl Martinez noong 2015, wala nang time pa para sa bagong pag-ibig si Albert Martinez. Aniya nang makatsikahan namin kahapon sa presscon para sa bagong serye ng ABS-CBN (under Dreamscape Entertainment) na Kadenang Ginto kung saan isa siya sa lead cast, sa trabaho na lang daw niya ibinubuhos ang kanyang oras.

After all, 57 years old na raw siya.

“Hindi ko siya (bagong pag-ibig) hinahanap. Pag nangyari, nangyari,” sey niya.

Ni hindi rin daw siya nagde-date simula nang mabyudo siya.

“I have to girls (daughters), Alyanna and Alyssa who are very demanding and controlling. So I spend more time with them. So, ‘yun ang palagi kong date, si Alyssa or pag nasa States kami, si Alyanna.”

Alyanna is happily married now at may apo na nga si Albert dito.

Kung sakali bang magkakaroon siya ulit ng love life, sa tingin ba niya ay papayag ang kanyang dalawang anak?

“Parang hindi, eh. Parang hindi pa sila ready pa, eh. Kasi may lumabas na rumor na actually fake news na I was seen with this girl buying a wedding ring, tapos nakita ko, nag-message si Alyanna, si Alyssa. Hindi pa sila ready. Which is okay lang naman sa akin.

“It’s hard to fill ‘yung shoes ni Liezl. Hindi ganu’n kadali ‘yun. So, in order for me to be with someone again, I have to be deeply in-love with that person or someone na either ka-level ni Liezl or beyond. So, the expectation is so high, the target is so high, kaya mahirap,” pahayag pa ni Albert.

Aminado ang aktor na may tendency talaga na i-compare niya sa nasirang asawa ang sinumang magiging next girlfriend niya.

“Because we’ve been married for almost 30 years, so ‘yung buong kinalakihan ko siya, so hahanapin ko ‘yun. ‘Yung qualities niya sa kung sinumang dadating sa buhay ko.

“But then again, I’m not closing my doors but for now, hindi ko siya hinahanap. Pag mangyayari, mangyayari. Ibig sabihin, kung soulmate mo, di ba? It’s God-given.

“Parang mahirap kasi pumasok sa isang relationship tapos trial and error lang pala. I’m too old for it, and then, I want to protect my family and my kids also. Kasi commitment na bago ‘yun.”

Bagama’t three years na rin daw ang nakalipas simula nang mawala si Liezl, may part pa rin na nag­luluksa siya.

“I’m still in the mourning side of it, but I feel much better compared to the first 2 years. Kasi nga, my kids are there to keep me company, and plus, blessing na rin, hindi ako nabakante (sa trabaho).

“Kasi ‘yung moment na bakante, ‘yun ‘yung mag-iisip ka, loneliness and all that,” he said.

Sa Kadenang Ginto ay kasama ni Albert sina Beauty Gonzales, Adrian Alandy, Dimples Romana, Andrea Brillantes at Francine Diaz mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Magsisimula na ang serye sa Lunes, October 8 sa Kapamilya Gold.

Beauty hindi idinenay na nakipag-usap sa Kapuso

Sa Kadenang Ginto pa rin, inanunsyo sa presscon kahapon na mananatiling Kapamilya si Beauty kaya naman nang katsika na namin siya ay natanong sa aktres kung ano ba talaga ang katotohanan sa napabalitang lilipat siya sa GMA-7.

“I was just being a good neighbor, that’s all, thank you,” pahayag ni Beauty.

Matatandaang few months ago ay napabalitang guest ang aktres sa isang Kapuso show at diumano’y nakipag-meeting na ito sa mga GMA executives.

“Binigyan na ako ng contract ng ABS-CBN and I’m so happy, it’s my first contract and I don’t mind about it and hindi naman ako na-shock or whatever kasi kung binigay nila ‘yung contract sa akin dati, siguro hindi ko naalagaan nang mabuti. Kasi siyempre, bagets lang ako and hindi ko pa naman sineseryoso itong mundo na ‘to.

“And now na tumanda na ako and mas na-appreciate ko ‘yung work ko. Thank you. It came at a right time,” saad pa ni Beuaty.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with