^

Pang Movies

Piolo maligaya sa lovelife ni KC

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo maligaya sa lovelife ni KC
Piolo at KC

Nabanggit noon ni direk Cathy Garcia-Molina kung sino ang mga artistang gusto niyang makasama sa kanyang last three films na ididirek sa Star Cinema at isa nga sa nabanggit niya ay si Piolo Pascual.

Nang hingan ng reaksyon tungkol dito ang Ultimate Heartthrob, more than willing naman ang aktor at dapat nga raw ay matagal na silang gumawa, lagi lang daw hindi natutuloy hanggang sa duma­ting sa puntong nagkasamaan na sila ng loob.

“Lagi kaming napupurnada, eh. We’re supposed to work already in some projects and nagkasamaan pa nga kami ng loob. Akala niya, ayaw ko siyang makatrabaho,” sey ni Papa P nang makatsikahan namin sa presscon ng kanyang SunPIOLOgy Trio.

“But we’ve been good friends, you know, this last 20 years, and sana, sana talaga, magkatuluyan kami one time,” dagdag pa niya.

Nang matanong kung willing din ba siyang makatrabaho ulit ang ex-girlfriend na si KC Concepcion, ani Piolo, “let’s cross the bridge when it’s there.” Pero masaya naman siya for KC na masaya na sa love life nito ngayon?

“Siyempre naman, ba’t naman hindi? We always want happiness for everyone and I really wish her well, you know. She deserves it,” he said.
Samantala, gaganapin ang unang SunPIOLOgy Trio na Sun Cycle Ph sa Nov. 17 at the Bonifacio Global Center at ang 2nd and 3rd event naman na Sun Life Resolution Run and Sun VS. Stars with Star Magic ay sabay na gaganapin on January 26, 2019 at Camp Aguinaldo.

James at Nadine sinuportahan ang mga kaibigan

Nakakatuwa na kahit big stars na sina James Reid at Nadine Lustre, hindi pa rin sila nagbabago lalo na sa mga dati nilang kaibigan at nakasama noong nagsisimula pa lang sila.

Dumating ang JaDine sa red carpet premiere night ng pelikulang Para sa Broken Hearted last Monday sa SM Megamall bilang suporta kay Yassi Pressman na friend nila at sa Viva Films na rin na home production nila.

Bukod sa JaDine ay dumating din si Bela Padilla na isa ring VAA talent.

Ang Para sa Broken Hearted ay pinagbibidahan nina Yassi, Shy Carlos, Louise delos Reyes, Marco Gumabao at Sam Concepcion mula sa direksyon ni Digo Ricio.

Literal na para sa broken hearted talaga ang pelikula dahil kwento ng mga relasyong nag-fail dahil sa iba-ibang kadahilanan.

Pero at the end, tuturuan ka naman na mag-hope para sa bagong pag-ibig at buhay.

Sa limang bida, pinakagusto namin at pinakamahaba rin ang role ni Sam bilang Alex at Dan. Dalawa rin ang leading ladies niya sa magkaibang kwento, sina Yassi at Louise.

Nagustuhan din namin ang kanyang Alex cha­racter at bagay na bagay sa kanya ang long hair niya.
May chemistry sila ni Yassi at may mga eksena nga na magkamukha sila.

Showing na today, Oct. 3 ang Para sa Broken Hearted.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with