^

Pang Movies

Nora, isang bugkos na datung ang ibinigay sa misis ng namatay na direktor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nora, isang bugkos na datung ang ibinigay sa misis ng namatay na direktor
Nora Aunor

Pati kami ay naintriga sa tsikang “isang bugkos” na pera ang ibinigay ni Nora Aunor sa biyuda ng assistant director ng Onanay. Bumisita raw sa taping ang biyuda ng director at hindi lang nakiramay si Nora by words, nagbigay din siya ng pera na sabi ng mga nakakita, “isang bugkos” ang ibinigay nito.

Walang makapagsabi kung magkano talaga ang perang ibinigay ni Nora, basta marami at hindi na ito nakakagulat dahil kilalang matulungin at galante ang superstar.

May tsika pa ngang tuwing natatanggap ni Nora ang talent fee niya sa Onanay dahil cash ang bayad sa kanya ng GMA 7 at tuwing natatapos ang taping nakukuha nito ang tf, nagsi-share ito sa staff and crew.

Anyway, tama ba ang nabalitaan naming dapat special role ang partisipasyon ni Nora sa Onanay, pero dahil nagustuhan ng viewers ang role at karakter niya bilang si Nelia na nanay ni Onay, itinuluy-tuloy na ang labas niya.

Zia sinumpong nang mag-flower girl

Trending at pinag-usapan ang photo ni Zia na seryoso at parang nakasima­ngot na kuha nang mag-flower girl siya sa kasal ng friend nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Sabi ni Dingdong, sinumpong si Zia at ayaw maglakad dahil makati ang gown nitong suot.

May picture kaming nakita na kinarga ni Dingdong si Zia habang naglalakad patungong altar.

Ang cute rin ng pictures ni Zia na nakangiti habang nakatingin sa batang lalake na Bible bearer daw. Hindi kami sure kung before or after ng ceremony na ‘yun, pero ang cute tingnan ng mga bagets.

Sophie pumayag makipagtsugian kay Rocco sa kotse

Si Sophie Albert ang pumalit sa role ni Teresita “Winwyn” Marquez sa Pamilya Roces bilang Amber Roces. Kinailangang mag-pullout ni Winwyn sa dramedy ng GMA 7 na magpa-pilot sa October 8 dahil sa eksenang love scene nila ni Rocco Nacino sa loob ng kotse.

Grabe ang nasabing eksena, pero tinanggap ni Sophie dahil hindi naman daw siya beauty queen at walang magre-react. Dagdag pa ni Sophie, naging maingat at gentleman si Rocco sa love scene nila at naging komportable naman siya.

Wala ring ipagre-react ang BF ni Sophie na si Vin Abrenica kahit mapanood ang eksena dahil trabaho lang ito at ginawa lang ni Sophie ang nasa script. Sabi pa ng aktres, pang-primetime ang Pamilya Roces at may limitasyon ang love scene at kissing scene na ipapakita.

Biggest role ni Sophie ang ginagampanan sa Pamilya Roces, nalulungkot lang ang aktres na hindi siya mapapanood ng kanyang ama. Seventeen years nang comatose ang dad ni Sophie at hindi na naabutan ang pagsali niya sa Artista Academy ng TV5.

Nasa bahay lang nila ang ama ni Sophie at ang ginagawa nila, ‘pag may labas siya sa telebisyon, binubuksan nila ang TV sa kwarto nito thinking na maririnig ang boses niya. ‘Yun ay kung kilala pa ang boses ni Sophie ng kanyang ama.

Anne, Mari Jasmine, at Janine pinagsama-sama sa isang shoot

Nagsama-sama para sa isang magazine cover sina Anne Curtis, Mari Jasmine at Janine Gutierrez. Para raw sa isang lifestyle magazine ang cover ng tatlo na kinunan ng batang photographer na si BJ Pascual.

Kinunan ang pictorial bago mag-taping si Janine ng Victor Magtanggol at pagkatapos ng taping, saka lang umuwi ng hindi alam na may inihandang asalto para sa birthday niya last October 2.

Kundi kami nagkakamali, first time magsasama sa magazine cover sina Anne at Janine at may Mari Jasmine pa, kaya kaabang-abang ito.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with