John Lloyd Cruz
Lantad na talaga, John Lloyd ginawan ng tula ang anak
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 2, 2018 - 12:00am

Bagong chapter ng buhay ni John Lloyd Cruz ang sinusubaybayan ngayon sa kanya. Ito ay ang pagiging tatay niya kahit wala pa siyang binibitawang kumpirmasyon tungkol sa kung ikinasal na ba sila ni Ellen Adarna, nabuntis at nanganak.

Eh, kahit nagbago ng user name sa Instagram, aba, ang latest information na nakuha sa latest post sa IG ay ang sinulat niyang tula sa umano’y anak nila ni Ellen, si Elias. Pinasilip ni Lloydie ang poem para sa umano’y anak na may title na Mga Ibon Para Kay Elias at kahapon ang petsa ng paggawa ng tula.

Mangmang pagdating sa ’yo

Sa iisang tunog mong taglay

Sa kaaya-ayang sorpresa ng paglapit mo

Sa imahe ng kalayaan na tiyak iwinawaksi mo

Sa perpektong hubog ng iyong galaw

Sa lupa

Sa ere

Sa tubig

Sa ‘yong talentong alingawngaw ng isang ina

Sa ‘yong malabalong papel sa ating nakaratay nang sistema

Ako’y mangmang pagdating sa ‘yo

Ang paulit-ulit mong huni ay kalinga sa aking mapagisang katahimikan

Gandang-ganda sa poem ang ilan niyang followers at karamihan ay pinusuan ito. Take note, kung si JLC ang sumulat nito, ang ganda ng kanyang handwriting, huh!

Of course, hindi na kailangang umamin nina John Lloyd at Ellen na meron na silang anak dahil ‘yung pinu-post nila sa social media speaks of itself, huh!

Kinita ni RS sa M Butterfly napunta sa foundation ni Ate Vi

Nag-donate ng stage actor-businessman na si RS Francisco ng P575,000.00 para sa Lipa Love Foundation nu’ng isang gabi at personal itong tinanggap ni Congresswoman Vilma Santos-Recto. Inilabas ang photo ng pagtanggap ni Ate Vi ng halaga sa kanyang Instagram account: “@rosavilmasantosrecto.

“MButterly...FANTASTIC AND THANK YOU!!!” caption ni Ate Vi.

Sa report na naglabasan, ang pera ay mula sa kinita ng stage play na M Butterly na pinagbidahan ni RS Francisco. Bukod sa Lipa Love Foundation, may isa pang grupo na binigyan ng P500,000.00.

Sa pagkikita nina Cong. Vi at RS, post ng huli sa Facebook niya, “This made my day!”

Samantala, balik-Kogreso na si Cong. Vilma ngayon. Last week, special guest si ni Boy Abunda sa talk show nitong The Bottomline na mapapanood sa birthday month ni Ate Vi sa Novemeber.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with